Chapter 20

515 4 2
                                    

Harmonica POV

Nagmamaneho ako gamit ang motorsiklo ko papunta sa RHO dala ko ngayon ang envelope na ibinigay saakin ni Ashton. Akala ko ay hindi siya papayag na hinggiin ko ito pero ibinigay niya sa akin. Madaming bumabagabag kay Ashton ngayon.

"Sana matagalan mo yan Ashton, nagsisimula pa lang tayo."

Maraming tao ang bumungad sa akin pagkapasok ko sa entrance nang restaurant ni Ocean. Linggo kasi kaya maraming tao.

Nagkalat din ang ibang agent's na ang trabaho ay waiter.Yung mga agents na walang mission ay ang wa-waiter, bartender, janitor, cashier, katulong ni Ocean sa pag luluto at marami pang iba.

"Hello Mu-este Harmonica." Sabi ni Cupid ng madaanan ko siyang may dala dalang mga paper bag siguro ito ay mga recipe na gagamitin ni Ocean.

"Hello rin Namida. Kamusta mission mo kasama si Kurt?" Pangangamusta ko.

"Harmonica Nami nalang tawag mo 'wag na Namida tsaka okay lang pero nakaka-stress ang lalaking may pambabaeng pangalan na 'yon." Sabi niya.

"May ginawa na naman ba siya sayo?"

"Psh kung alam mo lang." Nakasimangot na tugon niya.

"Babyloves Namida where are you?" Nangibabaw ang boses ni Kurt Coleen Cobain sa loob nang restaurant na nasa entrance.

"Una na ako Harmonica magtatago lang ako sa kusina ni Ocean." Tarantang sabi ni Namida at nagmamadaling tumakbo. Umalis din ako doon at nagpunta na sa RHO.

Nagpunta ako sa office ko. May sari-sariling office ang mga Elite agents. Pagpareho kayong elite agent at naging mag-asawa ay pwedeng magsama sa iisang kwarto na lang.

Nakita ko na nandoon na ang mga kasama ko sa mission na.

"Music anong nakuha mo tungkol kay Ashton." Tanong agad ni Aphrodite na siyang nakaka-alam.

"Sinabi sa akin ni Ashton na nakakatanggap na siya ngayon nang mga death threats sa buhay niya. Nagsimula iyan nung nakaraan lunes lang iyan ng mga kinuhang litrato ni Ashton." Sabi sabay lapag sa lamesang nasa harapan namin. Si Amnesty ang unang nagbukas nito.

"Tatlo pa lang ang natatangap niya panigurado ay dadami pa iyang matatanggap niya." Wika ni Samson

"Tama siya at baka humantong pa ito sa pagtangkang pagpatay sa kanya." Dagdag ni White.

"Iyan din ang naiisip ko. Nag-aalala na ako sa kanya. Simula sa ngayon ay hahanapin ko na ang papatay sa kanya bago pa tayo unahan." Determinadong sabi ko.

"Chill may lumalabas nang dark aura sa paligid mo Music." Sabi ni Amnesty sa akin.

"Chill naman ako, atsa–"

"Wait what is this?" Pagtatanong ni Aphrodite sa amin tiningnan namin iyon.

"Is this a code?" Patanong kong sabi.

"Yah para siyang code." Pagsangayon ni Samson.

"Ito meron pa." Turo ni War sa box nung box nung pusa.

"Wala sa atin ang box kaya hindi natin makikita iyan nang maayos." Sabi ni white.

"Kailangan nasa atin ang box na iyon." Sumang-ayon silang lahat sa sinabi ko.

Habang nakamasid ako sa paligid nang tinutuluyan ni Ashton ay may nakita akong babaeng kahina-hinala, nagmasid pa ito kung may tao, lumapit ito sa kotse gagamitin ni Ashton ngayon yumuko at may inilabas siya sa kanyang bag, at inilagay sa ilalim ng kotse.

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now