Chapter 13

549 7 0
                                    

Harmonica POV

Nagpunta kami sa training area nang RHO nakita namin na nagre-wresling ang dalawa. Umupo kami sa gilid nang training area may upuan doon at pwede kang manood nang mga naglalaban.

"Agent War and Agent White this is the final." Sabi nang boses parang si—.

"Kyahhh Music narinig mo 'yon ang gwapo niya talaga boses pa lang." Sabi ni Tattoo sa akin ngiti ngiti pa, 'yong narinig namin ay si Brain.

"Baliw na baliw ka talaga kay Brain." Sabi ko sa kanya.

"Oo naman sino ba hindi mababaliw sa kanya." Sabi niya ulit napangiwi nalang ako parang magiging heart na yung mata niya.

"Peste ka White!" Sigaw ni War kaya napatingin kami doon nakailalim si War at nasa ibabaw si White.

"Ano na namang ba ginawa ko sa'yo?" Sabi ni White.

"Yan favorite line mo 'yan 'Ano na namang ginawa ko sa'yo' painosente ka leste ka!" Sabi ni War sabay bigay nang suntok kay White kaya naalis ito sa ibabaw niya.

"Yan na naman tayo." Bulong ni Tattoo pero hindi ko siya pinansin.

"Wala naman talaga ah! Ahh alam ko na hindi ka pa rin makamove on." Nakangising sabi ni White kay War kaya itong si War ay biglang namula pati 'yong mata parang luluha na.

"Ha! Ako hindi makaka move on sa'yo? Hindi ka kawalan hay*p ka!" Sigaw ni war sabay lapit kay white at aambang susuntok pero nakailag si White.

"Bakit ganyan ka makaasta War? "

"Sinong hindi magagalit lahat ginawa ko sa'yo pero ano ginawa mo binabalewala mo lang! Kupal ka! Masakit para sakin yung ginawa mo!" Sabi ni War biglang tumulo ang luha niya pero makikita mo sa mata ang sakit at galit.

"Ayaw ko na sayo noon! Tsaka gusto kong makatikim nang ibang putahe nu---." Hindi niya pa tapos ang sasabihin nang isang malakas na suntok at sipa ang iginawad ang ni War, si White ay nagsuka nang dugo.

"May issue ba sila?" Tanong ko kay Tattoo napalingon ako sakanya.

"Meron. Meron silang past." Sabi ni Tattoo at makikita mo sa kanya ang lungkot.

"So naging sila dati? Anong nangyari sa kanila?"

"Nagbreak sila dahil may nakitang iba si War nakikipag sex at araw pa nila nang aniversarry nila." Sabi ni Tattoo.

"Masakit nga 'yon, tarantado rin pala itong si White akala ko matino." Komento ko.

"War defeat White. Umalis na kayo diyan may susunod pa nagdadrama pa kayo." Sabi ni Brain.

"Yan ang nagagawa nang may galit Brain." Malanding pagkasigaw ni Tattoo napalingon sa amin si Brain at napangiwi.

"He don't like you." Natatawang sabi ko.

"He will like me not now, but soon. Aakitin ko siya, sinong hindi maakit sa alindog ko." Confident niyang sabi.

"Akitin mo kung maakit mo."

"Next Me and urggh sino nag sulat nito?" Sabi ni Brain nakakunot ang noo nitong nakatingin sa papel nang biglang lumingon kay Tattoo.

"Wala akong alam diyan promise." Inosenteng sabi niya habang nakataas ang kamay.

"Humanda ka sa akin!" Ani Brain at bumaba sa training area.

"Lagot ka tattoo." Pang-aasar ko.

"Whatever Music kaya ko yan tatalunin ko na siya ngayon." Aniya.

********
Tapos na ang training namin at nandito kami sa office ni Neptune wala pa si Jose dito kami pa lang ang nandito si Tattoo, War, White at Brain kasama raw sila sabi nila.

"Tagal ni Boss nangangati na ulit ang kamao ko." Sabi ni War sabay hawak sa kamay niya na namumula pa, nakatingin ito nang masama kay White. Si White at may hawak na ice pack at nakalagay sa pisngi niya pero malayo ang tingin.

"Ako rin." Sabi ni Tattoo sabay tingin kay Brain.

"Sabihin mong ikaw din nangangating manuntok." Sabi ni Brain.

"Nope." Natatawang sabi ko.

"Nandito na pala kayo." sabi ni Neptune.

"Hindi wala pa kami rito Jose anino lang namin 'to." Sarcastic na sabi ko.

"Jose na naman!" Sabi niya sa akin pero nginisian ko lang siya.

"Maya na 'yan Neptune ano ba bagong mission tutal elite na si Music." Sabi ni White, Elite na ako kagabi natapos ko kasi yung mission ko kay Jacky.

"Kaya pinatawag ko kayo dahil may bago kayong mission importante 'to." ani Neptune.

"Bakit sa amin pa kung importante naman pala 'yan mamaya pumalpak pa kami." Sabi ni Tattoo.

"Kaya kayo ang nakuha ko dahil mag mamatyag at kukuha kayo nang mga informations, hindi kayo mahahalata dahil kasi bata pa kayo tsaka ka-edad niyo lang din ang babantayan niyo. Bakit kayo? Dahil mga junior Elites kayo kailangan masanay na kayo." Sabi ni Jose.

"Magbabantay? Ano 'yan bata?"

"Hindi naman. Kalma lang ipapaliwanang ko na sa inyo para
maintindihan niyo. Ang tatay niya ay humingin ng tulong sa amin na bantayan ang anak niya sakaling may magtangka sa buhay nang anak niya, sasali siya bilang congressman at isa sila sa pinakamayaman sa buong mundo. Kinuha niya tayo para sa kaligtasan ng pamilya niya lalo na sa anak niya."

"Bakit yung anak na yan ang kailangan bantayan?"

"Ilan ba anak niya?"

"2 anak niya isang lalaki at isang babae, ang lalaking anak niya ang babantayan is sa inyo dahil siya ang sunod na magmamana nang yaman nila, at ang pinaghihinalaan nila ang tito nito at maaaring patayin 'yong lalaki." Sabi ni Neptune.

"Then, who are they?" Tanong ko

"Ang humingi nang serbisyo natin ay si Mr. Kazuto."

"Mr. Kazuto? Milyonaryo pala siya anak niya ba si Ashton Kazuto at Alexis Kazuto?" Sabi ni Tattoo.

"Oo buti at alam mo."

"O my gosh ang gwapo ni Ashton pinagpapantasyahan ko na siya matagal na, so ako na lang ang magbabantay sa kanya." Sabi ni Tattoo.

"Akala ko ba ako lang pinagpapantasyahan niya." Bulong ni Brain.

"Tattoo hindi ikaw ang nakaassign na magbantay."

"What? Please na Neptune." Pagpilit ni Tattoo.

"Si Music ang magbabantay naging magkaklase na rin kasi ang dalawa." Sabi ni Neptune.

"Dapat sinabi niyo agad boss." Sabi ni Tattoo.

"Isasama niyo si Aphrodite."

"Bukas na kayo magsisimula tatawagin ko kayo ulit mamaya." Sabi ni Boss kaya tumayo na kami at nagpaalam.

"Babye Jose." Mapang-asar na sabi ko at lumabas.

_________________________________________
Ito na po yung hinihintay niyong update busy sa school works eh kaya natagalan ang update, sorry guys

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now