Chapter 22

515 4 0
                                    

"Stay low key.

Not everyone needs

to know everything

about you."

-Katsuki

-----------------------------------------------------

Harmonica POV

Isang buwan na ang lumipas matapos ang nangyari kay Alexis nalaman din niyang isa akong agent.

Noong nagkita kami ni Ashton ay sinalubong ko siya ng isang sapak nagtataka nga kung bakit ko raw yun ginawa, palibhasa kasi wala siya roon tsk tsk.

"Agent Music please come to Neptune office now. Agent Music please come to Neptune office now. ASAP." Bumaba ako sa punong inakyatan ko nang marinig ko ang intercom.

Bakit kaya ako pinapatawag? Sabi ko kay Boss ay break muna ako kay Ashton dahil kaya roon?

"Boss bakit mo ako pinatawag?" Mukhang hindi magandang tawagin ko siyang Jose dahil seryoso ang aura nito.

"May bago kang mission habang break ka muna sa mission mo kay Ashton Kazuto. Alam mong hindi ka naman pwedeng tumengga lang dito." Aniya tumango lang ako.

"Math Marcus ang pangalan ng target mo. Ang hinala nang nagreport nito sa atin ay nagbebenta sila nang illegal drugs at isinasama sa mga drinks ng mga customers, may mga pasugalan din sila. Southern ang pangalan ng bar nila. Ang mission mo ay mahuli si Math at ipasara ang bar na iyon."

"Gawain ito ng pulis right? Anong kakaiba sa bar na iyon?"

"Mahigpit ang siguridad ng bar na 'yon, bigatin at mga mayayamang negosyante ang mga nakapapasok doon. Si Math naman ay laging may nakapalibot na mga body guard. Ang mga pulis ay hindi basta-bastang makakapasok kung walang warrant of arrest sila." Paliwanag niya. May tama naman siya.

"Sina Agent Hell at Agent Heaven ang makakasama mo sa mission na ito."

"Parehas lalaki?"

"Yes, and I think na kilala mo sila."

"Okay? Sino pala muna ng incharge kay Ashton ngayon?"

"Si Agent Knife."

**********
"Hey Harmonica kamusta na? Hindi ka na naman nagparamdam last month." Wika ni Alexis.

"Well busy lang naman ako." Maikli kong sabi.

"Balita ko ay break ka muna sa pagbantay mo kay Kuya."

"Sino nagsabi sayo?"

"Si Alzyiena lang naman."

"Aba close na kayo noon?"

"Yah. I have a number pa nga niya eh. So anong reason mo kung bakit humingi ka muna nang break?" Tanong niya. Umiwas ako nang tingin sa kanya.

"May nangyari sa inyo ni kuya?"

"Wala."

"Sus wala raw sabihin mo na. Kinuha ko na nga yung mga binigay na gamit sa death threats niya tapos sinabi ko na yung nalalaman ko kay kuya." Matapos malaman niya na Agent ako ay humingi ako nang favor sa kanya na kuhain yung mga death threats na binibigay sa kanya.

"Bakit mo sinusumbat sa'kin yan?" Nagtataka kong tanong.

"Sana pala hindi ko na lang sinabi at kinuha 'yon. Kaya sabihin mo na kung anong reason mo."

His Secret Agent GirlfriendWhere stories live. Discover now