4

292 4 0
                                        

Dennise



"Byebye! MS. SUNGIT!! see you tomorrow hahaha" sigaw ng bwiset na babaeng yun. At saka pinaharurot ang sasakyan nya.

"HAHAHA!---aray naman! Makabatok naman toh haha" Natatawang pa ring sabi ni jaja.

Tamo toh kung makatawa parang hindi nasaktan sa ginawa ko. Batukan ko pa kaya ng matauhan.

"Hoy hoy! Sige subukan mo sumbong kita kay mommy" Parang batang sabi nya.

"Go! Sumbong mo ko samahan pa kita eh" nakapamewang na sabi ko. Pinitik nya naman ako sa noo.

"Aray!" Sabay hawak ko sa noo ko.

"Ang brave naman this girl. How to be you po?" Natatawang sabi ni jaja. Tamo talaga toh!

Inirapan ko na lang sya. Lakas mang asar eh. Tss.

Bumalik na rin kami sa loob dahil syempre mahamog na rin sa labas eh. Dumiretso kami sa kwarto nitong si jaja kasi ibibigay na daw nya ang pasalubong nya sakin. I'm so excited! Lol.

"Jaja, buhay ka pa ba dyan sa walk in closet mo?" Natatawang sabi ko habang nag sscroll sa phone ko.

Kanina pa yan sa walk in closet nya eh mga almost....10 minutes na. Jusko kanina pa rin ako scroll ng scroll dito sa phone ko para lang may magawa habang hinahanap nya yung pasalubong nya sakin. Kaloka.

"Atat? Sandali lang!" Sigaw naman nya mula sa walk in closet nya.

"Tagal!" sigaw ko din. Sabay off ko ng phone ko.

Tatayo na sana ako mula sa kama nya ng sumigaw si jaja at may bigla syang tinapon sakin.

Ang baliw.

"Catch!" Jaja.

Mabuti na lang talaga at nasalo ko yung tinapon sakin nitong babaeng toh. Nako nakakaloka rin talaga tong santiago na toh....parang yung childhood best friend nya lang. Tsk tsk.

"Is this may pasalubong?" Ngiting ngiti na sabi ko at ipinakita ang hawak kong paper bag.

Tumango naman sya at umupo sa tabi ko.

"Open it.." nakangiting sabi nya.

Agad ko namang binuksan ang paper bag at halos mapunit ang labi ko sa sobrang ngiti. Tumambad sakin ang ibat ibang chocolates na like na like kong kainin kapag stress ako at may isang small box?

Hmmm....whats this naman kaya?

"Thank you ja!" Sabay yakap ko sakanya. "Eh itong small box? Akin ba toh?" tanong ko naman habang chenecheck yung box.

Nakita kong biglang lumaki yung mata nya sabay agaw nung box na hawak ko.

"No!...I mean nailagay ko lang dyan. Ito talaga yung iyo" tumayo sya at may kinuha sa drower nyang isang box din.

Grabe mag react ha.

"Sure ka na talaga na ito na yung akin?" Sabi ko ng inabot nya sakin yung small box.

My First And Last (AlyDen)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon