27

219 3 1
                                        

D E N N I S E


Nakaupo lang ako sa may gilid ng kama ni Alyssa habang hawak ko ang kamay nya at nakatitig lang sakanya.Wala pa rin syang malay hanggang ngayon.

"Ly gising ka na dyan oh..." Sabay lagay ko ng kamay nya sa pisngi ko habang hawak ko pa rin ang kamay nya.

*knock*

*knock*

Dahan dahang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jirah. Nginitian nya ako pero nakikita kong may lungkot sa mga mata nya. Lumapit sya sakin at niyakap ako. Paano sya nakapunta ng Albay?? Aba malay ko haha.

"Ate den kamusta si ate ly??" Tanong nya ng kumawala na sya sa yakap.

"Ok na naman sya. No major injury naman daw.."

"Thanks god.." At tumingin sya kay Alyssa.

Naramdaman kong hinawakan ni Jirah ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya...

"Ate den..." Panimula nya.

"Thank you for taking care of ate ly. You know naman na mahalaga sya saakin lalo na kila ate Gretchen. Alam ko namang gagawin mo ang lahat maprotektahan lang sya...kaya nga ikaw ang iniassign kay ate ly kasi ikaw yung tipo ng tao na matapang.." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Jirah. Ang sarap lang sa pakiramdam.

"Hmmm...ikaw talaga pinapaiyak mo ko eh" sabi ko sabay pisil sa pisngi nya.

"Hehehe sorry naman po" Jirah.

*knock*

*knock*

Napatingin naman kami sa pinto. Si Fille pala, nakadungaw sya sa may pinto.

"Guys tama na drama haha. Jirah may tumatawag sa phone mo" Fille.

"Sino ate??" Jirah.

"Mallow mo ayieeee haha" Fille. Talaga naman Oo hahaha.

" 'te Fille naman ihhh.." Namula naman ang muka ng batang ito haha.

"Ikaw bata ka lumalove life ka na ahhh ayieeee hahaha" Asar ko pa.

"Shhh! ang bubully nyo po talaga" Jirah.

"HAHAHAHAHA" Ako at si Fille.

"Crush mo pa rin sya hanggang ngayon bebe?" Fille. Tawa lang naman ako ng tawa pero syempre mahina lang. Namula naman si Jirah. Maasar pa nga hahaha.

"Or baka naman you love her na?"

"AYUN!!" Biglang sigaw ni Fille.

My First And Last (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon