5

235 3 0
                                        

Dennise





"Den cold compress ang ilalagay mo before you sleep para kahit papano hindi na sya mamaga" sabi ni nurse jane habang nilalagyan ng cold compress ang ankle ko.

"Opo. Salamat nurse jane" nakangiting sabi ko.

Nagulat kami pareho ni nurse jane ng biglang bumukas ang pinto ng clinic  at iniluwa nito ang mga magaganda kong beshis.

"Ate den/den what happen?!" Sabay sabay na sabi ni Jho, Ponggay, Jia at Fille.

Natawa naman kami ni nurse jane dahil sa reaksyon ng mga kaibigan ko. Kaya mahal na mahal ko tong mga beshis ko na toh eh. Sweet.

"Uy! Anuna den?" Nag aalalang sabi ni fille.

"Lazaro anuna?" Sabi naman ni jia.

"Guys! kalma ok. Ayos lang ako natapilok lang ako" natatawang sabi ko sakanila.

Para naman silang nabunutan ng tinik  dahil sa sinabi ko sakanila. Nag silapitan silang apat sakin at niyakap ako. Group hug kumbaga.

"Wait wait! yung paa ko hehe" sabi ko at nag kalasan na sila sa pag kakayakap sakin.

"Akala talaga namin ate den kung napano ka na eh" Jho.

"Oo nga ate den. Mabuti na lang tinext ako ni jia kaya nakapuslit ako sa class ko" Sabi naman ni Ponggay. Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"Charot lang. Syempre nag paalam ako ate den" Pongs. Tumango naman ako.

"Ahhh... eh kayo may mga class kayo di ba?" Tanong ko sakanila. Nag katinginan naman silang tatlo at sabay sabay na tumango.

"Nag paalam kami.." sabi nilang tatlo.

Very good naman pala eh. May pizza sila sakin mamaya! 😂😂

"Pero paano nyo nga pala nalaman na nandito ako sa clinic?"

Siniko ni fille si jia kaya tumingin ito sakanya. Habang si jho at pongs naman ay tumingin sakin at tinuro din si jia.

"Ako?" Turo nya sa sarili nya. Napairap naman ako. Seryoso na kanina eh.

"May iba pa bang jia dito?" Jho.

"Sabi ko nga ako eh. Narinig ko lang naman eh.." Jia.

"Hala sya! chismosa ka na ju?" natatawang sabi ni jho. Pasimple naman syang kinurot ni jia.

"Kanino?" Tanong naman ni fille.

"Kasi classmate ko sa isang subject yung nakabungga sayo. Medyo nalate pa nga tapos ayun narinig kong nag uusap sila nung kaibigan nya. Sino nga yun?...aly, alice basta! Somethinf with Al---" Jia. Di ko na sya pinatapos at ako na ang nag salita.

My First And Last (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon