26

214 2 0
                                        

E I N E

Lahat kami ay halos mag kagulo na sa loob ng HQ ng makatanggap kami ng report galing kay Zwei at Drei two days ago ng tumawag sila dahil sa isang unknown call na ikinabahala nila lalo na kami. Palaisipan pa rin saaming lahat kung sino ba ang taong yun...

"Eine, ok ka lang ba??" Tanong sakin ni Zehn na kakapasok lang sa control room dahil nag oobserve ako.

"Honestly, No. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari kila Zwei lalo na wala pa rin silang paramdaman ngayon.." Tinap naman ako sa balikat ni Vier. Sya muna kasi ngayon ang humahawak sa control room dahil wala si Drei.

"Eine ano ka ba....kayang kaya nila Zwei ang sarili nila kaya stop worrying lalo ka lang ma sstress.." Tumango naman ako at umupo sa sofa duon.

Nakakastress nga lalo na halos kaming lahat ay wala pang tulog dahil sa pag hahanap sa taong yun. Mariin na lang akong napapikit at minasahe ang sintido ko. Kailangan ko lang siguro ng pahinga. Tama kailangan ko lang ng pahinga.

Tatayo na sana ako ng bigla akong makaramdam ng hilo. Tumingin ako sa paligid ko at umiikot ang buong control room...

"Zehn! Si Eine!" Yun ang huling narinig ko bago ako mawalan ng malay.

………………………

F I L L E

Naramdaman kong may tumatakip sa binti ko kaya naman dahan dahan kong binuksan ang left eye ko. May nakita akong taong ngiting ngiti sa harapan ko..

"Hi. Good morning" napadilat ako ng tuluyan ng makilala ko kung sino ang nasa harapan ko.

Napaayos ako ng higa at tiningnan ko ang katabi kong si dennise pero wala na ito sa tabi ko. Hmp! hindi man lang ako ginising. Tumingin ako kay Gretchen na nasa harapan ko pa rin at nakangiti. Anyare dito?

"Ahm...why are you smiling?" Nag tatakang tanong ko dito.

"Ah wala naman. Ang ganda mo lang kasi eh" Gretchen. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya iniangat ko ang kumot kaya ang kalahati ng face ko ay hindi na kikita.

Inirapan ko sya kasabay ng pagtampal ko sa braso nya. Nakakainis sya. Hmp.

"A-ano....wait lang.." Sabi nya at lumabas ng kwarto. Pag balik nya ay may dala na syang tray na may lamang pagkain. "Kain na.."

"May dumi ba ako sa muka??" Sabi ni Gretchen kaya umiwas naman ako ng tingin. Nakatitig ba ako sakanya? naman oh.

"Nag breakfast ka na ba??" Naramdaman ko naman na umiling sya.

"Why?"

"Inaantay talaga kasi kita eh...and gusto ko sabay na tayo" iniangat ko ang tingin ko kay Gretchen na ngayon ay nakatitig sakin.

"Then...kain na tayo" sabi ko na lang at umiwas na lang sa mga titig nya sakin.

Habang kumakain kami ramdam ko pa rin ang patingin tingin sakin ni Gretchen pero every time na ako naman ang titingin sakanya ay sya namang umiiwas. Tahimik lang kami yung tipong tunog lang ng utensils ang naririnig sa buong kwarto.

My First And Last (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon