9

210 4 1
                                    

D E A N N A




Nag mamadali akong bumaba ng hagdan galing sa 3rd floor ng art building dahil katatapos palang ng klase namin dun. Pababa na ako ng 2nd floor ng mapadaan sakin ang isang babae na mukang nag mamadali paakyat ng 3rd floor.

Napahinto ako sa pag baba ng may marinig akong sumigaw at ng lumingon ako ay yun yung babaeng napadaan sakin kanina.



"Arayyyy!" Sigaw nung babae na ngayon ay nakaupo na nakahawak sa kaliwang paa nya.



Hindi na ako nag dalawang isip na puntahan sya dahil mukang wala ng taong aakyat sa floor na toh dahil halos lahat sila nasa ground floor na.kita ko papano sya nasasaktan dahil halos naiiyak na sya dahil siguro sa sakit.

Omg. Pano ba toh. Help!



"A-ahm...miss kalma ka lang ok?" Pag ko-convince ko sakanya. Halos hindi ko alam ang gagawin at sinimulan na akong pag pawisan. Jusko.



Tumango tango naman sya habang may tumutulong luha sa pisngi nya.Umiiyak na talaga sya this time. Ewan ko pero kusa na lang gumalaw ang kamay ko at pinunasan ang luhang dumadaloy sa pisngi nya gamit ang thumb ko.

Isinandal ko muna sya sa pader sandali para hindi sya mapagod. Medyo nahihirapan na syang huminga dahil sa pag iyak nya. Kaya kinumbinsi ko syang huminga ng malalim.



"M-miss breath ka ok? Inhale exhale" sabi ko sakanya at ginawa nya naman.

"Saan ba ang masakit?" Tanong ko sakanya.

"D-dito.." naiiyak na sabi nya. Tinuro nya ang ankle nya kaya sinubukan kong hawakan yun pero hinawakan nya ang kamay ko para pigilan ako.

"Please wag mo na lang galawin" naiiyak pa rin na sabi nya. Tumango naman ako.



Napansin ko ang mga gamit nyang nag kalat sa hagdan kaya isa isa ko itong pinulot pati na rin yung dalawa nyang books. Doon ko na rin isiniksik yung mga paper works nya para isahan na lang. Humarap uli ako sakanya still umiiyak pa rin sya.



"Miss tahan na please.." sabi ko sakanya at pinunasan uli ang luha sa pisngi nya.



I checked the time sa wrist watch ko. Mag 5 pm na pala. Baka hinahanap na rin ako nila ate aly.



"Kaya mo bang mag lakad?" Nakatingin lang sya sakin at dahan dahang umiling.



Sorry naman po. Sabi ko nga eh hindi mo pa kaya 😅



Huminga muna ako ng malalim at inilagay ang bag kong kanina ay nasa harapan ko at inilagay ito sa likuran ko para mabuhat syang maayos. Pumwesto ako sa gilid nya,nag tataka man sya sa gagawin ko pero ngiti na lang ang isinagot ko sakanya.

Dahan dahan ko syang binuhat at success! nabuhat ko naman sya ng maayos at sa awa ng katawan ko nakaya ko sya kahit medyo malaki sya ng konti sakin. Mabigat pero keri lang.

Nakakapit lang sya sa leeg ko habang dahan dahan kaming bumababa ng 2nd floor. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sya sakin kaya hindi ko maiwasang mailang.

Nako stranger wag kang ganyan baka matunaw ako sa kakatitig mo mamaya mabitawan pa kita. Lol.

Para akong ewan 😂😂😂😂

My First And Last (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon