22

152 2 0
                                    

Third Persons POV

"Oh my god!! Alyssa!" Sigaw ni Gretchen ng makita nya ang pabagsak ng si Alyssa.

Mabilis pa sa alas kwarto ang pag salo ng isang babae sa nag past out na si Alyssa. Binuhat nya ito papunta sa isang couch doon at dahan dahang nya itong inihiga roon.

"Mallows thank you.." sabi ni Marge dito at kaagad itong niyakap bilang pasasalamat.

"No prob. mellows. Its my jo---to help. Right to help" nakangiti nitong sabi saka kumalas na sa yakap.

'Sht. Patay ako nito pag nadulas ako. Tsk' Jirah thought.

"Jirah! thank you so much sa pag salo kay Alyssa kung hindi baka nabagok na ang ulo nya" sabi ni Gretchen ng makalapit sya sa mga ito.

"No problem ate Gre" nakangiting sabi ni Jirah dito.

"Gretch dalhin na kaya natin si Alyssa sa hospital" nag katinginan naman silang tatlo at sakatumango.

"Mabuti pa nga.." sabi ni Gretchen.

Si Jirah na ang nag prisintang mag buhat kay Alyssa palabas ng restaurant habang si Marge ay pinapaypayan si Alyssa at si Gretchen naman ay nakaalalay lang. Napasabunot si Gretchen ng maalalang nasa loob pa ng ateneo ang sasakyan nya.

"Greta asan na yung kotse mo?" Tanong ni Marge.

"Ayun na nga eh. Nasa loob pa ng ateneo marge" Gretchen.

"Yung kotse ko na lang ang gamitin natin. Mellows pakikuha naman yung phone ko dito sa back packet ko.." sabi naman ni Jirah na kaagad namang sinunod ni Marge.

"Then..." Tanong ni Marge habang hawak na nito ang phone ni Jirah.

"Unlock mo..." Jirah.

Pag bukas ni Marge ng cellphone ni Jirah ay may password ito kaya hindi nya ito maunlock basta basta. Pero ang mas nakaagaw sakanya ng pansin ay ang lock screen picture nito. Nakapiggy back ride si Jirah kay Marge na parehong nakangiti ng pag katamis tamis.

Napangiti naman si Marge katulad ng ngiti nya sa picture pero naputol yun at napangiwi ng makaramdaman sya ng malakas na hampas sa kanyang braso.

"Aray! Bakit ba?!" Baling nya kay Gretchen na syang humampas sakanya.

"Eh ang tagal mong i-unlock yang cellphone! Akin na nga!" Sabi ni Gretchen sabay hablot ng phone sa kamay ni Marge.

"Oy!" Marge.

Nanlaki naman ang mata ni Jirah ng marealize nyang hindi nya pa pala napapalitan ang lock screen wallpaper ng phone nya pero huli na ang lahat at isa pa hindi nya naman pwedeng agawin ang phone nya na hawak na ngayon ni Gretchen dahil buhat buhat nya si Alyssa.

'Oh gosh! Oh gosh! Ugh. Aasarin na naman nila ako sigurado. Huhuhu' Jirah thought. Na sa mga oras na ito ay gusto ng mag tago dahil sa hiya.

My First And Last (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon