16

164 1 0
                                        

Third Persons POV


Kasalukuyang binabay nila Alyssa, Gretchen at Marge ang kahabaan ng QC dahil may pupuntahan silang isang event doon. Tahimik ang loob ng sasakyan ni Alyssa dahil tulog ang mga kasama nya.

Sumulyap sya sa rare view mirror para tingnan kung ok lang ba si marge sa likod at ng makita nya naman na ok lang ang kaibigan ay bumalik na sya sa pag ddrive.

Saktong nag red light sa may crossing at bigla na lang syang nakaisip ng evil plan. Kinuhanan nya lang naman ng picture si marge  ng nakanganga habang natutulog at agad na pinost sa kanyang instagram sabay mention kay marge.

"I'm so dead hahaha" tatawa tawang sabi nito habang nag ttype sa phone.

Bigla na lang nyang nabitawan ang phone na kaninang hawak nya dahil sa gulat ng dahil bigla na lang may bumangga sa likuran ng kotse nya. Nagising naman si Gretchen at Marge dahil doon.

"What the! Ano yun?" Sabi ng kakagising palang na si marge.

"Ly may bumangga ata sa likuran" Gretchen.


Napalingon naman silang lahat sa likuran para tingnan kung sinong nakabangga sa kotse ni Alyssa ng biglang may bumangga naman sa right side ng sasakyan kung saan nakaupo si marge. Mabuti na lang ay nakaalis agad ito doon.

"Sh*t!!" Sigaw ni marge dahil sa gulat.

"Marge! Are you ok?" Nag aalalang tanong ni Gretchen at Alyssa.

"O-oo naman. Choir kayo? Haha" nakuha pa talaga nitong mang asar kaya naman sinamaan sya ng tingin ng dalawa.


Napasulyap si Alyssa sa rare view mirror para sumilip sa likuran ng mapansin nyang may bumabang lalake sa kotse ng nakabangga sa kotse nya at may hinugot itong something sa tagiliran nito. Hindi man sya nag aassume na papunta ito sa gawi nila ay automatic na nanlaki ang mata nya ng itinutok sa kanila ang baril na hinugot nito kanina sa tagiliran.




"Guys!! Yuko!" Sigaw ni Alyssa.




Nag tataka man si Marge at Gretchen sa sinabi ni Alyssa ay sinunod na lang nila ito. Hindi nga nag kamali si Alyssa dahil may tumamang bala sa salamin ng kotse nya na tumagos pa sa harapan nila. Napasigaw na lang silang tatlo dahil sa gulat.





"Sh*t! Ano bang problema nila!" Sigaw ni gretchen habang naka yuko pa rin ito.





Imbis na sumagot ay inapakan na ni Aly ang gas at pinaharurot na ang sasakyan na ikinagulat naman ng dalawa nyang pasahero. Hindi nya alam kung saan na sila pupunta kaya nag U turn na lang sya at lumusot sa kung saan man.

"Alyssa sino ba yun?!" Halos na nginginig ang boses ni gretchen habang nag sasalita ito dahil sa kabang nararamdaman dahil sa nangyari.

"I-I dont know gretch!" Alyssa.

"Guys! yung kanina...sinusundan nila tayo!" Sigaw ni Marge na halos hindi na mapakali sa likod.

"Ano ng gagawin natin?" Mangiyak ngiyak na sabi ni Gretchen.




Sumuluyap ito sa dalawang kaibigan habang mabilis pa rin ang pag papatakbo sa sasakyan. Humigpit ang hawak nya sa manubela at kinabig pakanan ang sasakyan inshort para na silang nag drift.

My First And Last (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon