10

211 4 0
                                        

P O N G G A Y

Still at the clinic...

Pareho kaming napalingon ni ate den sa medyo nakabukas na pintuan ng clinic ng bumalik si deanna pero nasa labas lang sya at nakasilip lang sya dito sa loob.

"Oh...deanna bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?" Tanong sakanya ni ate den.

Hindi naman sya sumagot dahil nakatingin lang talaga sya samin ni ate den. Hanggang sa nag salita sya..

"Ponggay....pagaling ka ha" halos hindi ko alam kung anong irereact ko dahil sa totoo lang HINDI KO ALAM!

Sa sinabi nyang yung naguluhan ko at the same time natutuwa ako na kinikilig. Ramdam ko rin ang pag init ng pisngi ko pero wala na kong pakialam kung makita nya man yun or not.

"Oo ba.." ayan na lang ang nasabi ko dahil kinilig talaga ako. Walang duda.

Pag kasabi ko nun ay yun namang pag kuripas paalis ni deanna na kanina ay nakasilip lang sa may pintuan. Bigla akong napayakap kay ate den at binaon ang muka ko sa may likuran nya.

Kung titingin lang talaga ako sa mirror  siguradong pulang pula ang muka ko mabuti na lang hindi yun nakita ni ate den kung hindi siguradong bully ang abot ko sakanila. Sila pa ba? Nako akala nyo pasimple simple lang yan pero mga bully ang mga yan pag dating saamin. But I love may bff/ ate's kahit ganyan sila 😂

"Anyare dun?" Natatawang sabi ni ate den.

"Uy...ikaw naman napano ka? At bigla bigla ka na lang nang yayakap dyan?" Natatawang pa rin sabi ni ate den.

Umiling naman ako habang nakayakap pa rin sakanya.

"Nothing ate.."

"Ok. Maiba tayo, anong nangyari dyan sa paa mo?" Nag aalalang tanong ni ate den.

Umayos na ako ng upo mukang humupa na rin naman ang pamumula ng pisngi ko.

"Bago ko sagutin yan...ano ring nang yari sayo ate?" Sabi ko at inexamine ang paa nyang may bandage.

"Natapilok. But thanks to G pagaling na rin sya tho masakit pa rin kapag nilalakad" Ate den. Napa 'O' naman ako.

"I guess were at the same situation ate den pero may konting...katangahan nga lang HAHAHA" natawa naman kami pareho ni ate den.

"Ang cute nung batang yun noh" ate den. Na gets ko naman kung sinong tinutukoy nya.

"Sinabi mo pa ate.." nakangiting sabi ko.

"Crush mo?" Ate den. Habang baba taas ang kilay at tinutusok tusok pa ang tagiliran ko.

"S-seriously?" Medyo tatawa tawa kong sabi at the same time bigla akong kinabahan.

"Oh? Bakit? Pag hanga lang naman yun hindi ko naman sinabing jowain mo na hahaha!" Ate den.

My First And Last (AlyDen)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon