17

166 2 0
                                        

Nakarinig sila ng napakalakas na pag sabog kasabay ng pag kawala ng linya ni Vier na ikinabahal ng mga agents.


"Vier!" Sigaw ni Zwei sa linya pero walang response na galing kay Vier.

"Eine! nawala sa linya si Vier" Drei.

"Wag kayong mag alala sakanya matapang yung si Vier" Eine.

"Oo nga!" Sabay na sabi ni Sieben at Acht.

"Hoy! Makasigaw kayong dalawa parang wala tayong mga earpiece ah" Eine.

"Sorry po.." sabi ni Sieben at Acht.

"Hayst. Sieben, Acht dikitan nyo ang sasakyan ng subjects" Eine.


Dinikitan na nga ng dakawang agents ang sasakyan ng mga subjects kaya parang inipit nila ang sasakyan. Sinasabayan lang nila ang bilis ng sasakyan dahil wala na nga itong preno.


"Zwei pumunta ka sa gilid ng passenger seat and inform them na tumawid sa kabilang kotse. Drei tingnan mo muna kung ano na ang lagay ni Vier" Eine.

"Copy!" Zwei & Drei.


Kinatok ni Zwei ang bintana ng passenger seat at agad naman itong bumukas. Naawa na sya sa kalagayan ng mga subject nila dahil mga umiiyak nito. Hindi na sya nag sayang pa ng oras para makaalis na ito sa sasakyan.


"Miss! Kailangan nyong tumawid sa kabilang kotse para makaalis na kayo dyan" Zwei.


Nagulat naman si Gretchen dahil sa sinabi nito.


"ANO?! hindi ba delikado yun!" Kinakabahang sabi ni Gretchen.

"Miss! Gawin nyo na lang kung gusto nyo pang mabuhay!" Zwei.


Hindi man nya gustong takutin ang mga ito pero kailangan nyang gawin dahil yun na lang ang paraan para hindi mapahamak ang buhay ng mga ito.


"Ok! Ok! Marge! Ibaba mo yung bintana at tumawid sa kabilang sasakyan!" Sigaw ni gretchen na ikinagulat naman ni marge.

"ANO?! Gretchen nahihibang ka na ba?!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Marge dito.

"Marge! Gawin mo na lang!" Medyo naiinis na na sabi ni Gretchen.

"Gusto ko pang mabuhay! Aamin pa ako sakanya! Huhuhu" Marge.

"Margarita! Tumawid ka na!" Sigaw ni Alyssa na kanina lang ay tahimik.


Wala ng nagawa si marge kundi gawin na lang ang pinagaawa sakanya. Nahihirapan man sya ay kinaya nyang makatawid sa kabilang sasakyan habang nag dadasal dahil hindi biro ang pag tawid sa kabilang sasakyan at dadaan ka lang sa bintana.


My First And Last (AlyDen)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon