24

165 3 0
                                        

Third Persons POV



Kasalukuyang nag aayos na ng gamit si Dennise para sa pag alis nila bukas ng aksidente nyang masagi ang isang maliit na box na nakapatong sa side table kaya nahulog ito na kaagad rin naman nyang kinuha. Napangiti sya ng mahawakan ito at dahan dahang binuksan hanggang sa masilayan nya na naman ang kwintas.

Kinuha nya ang kwintas sa loob ng kahon at sinuot. Humarap sya sa salamin at napangiti dahil bagay na bagay sakanya ang kwintas na akala mo'y ginawa talaga para sakanya. Kuminang ito at biglang lumabas ang initials na 'AV' na ngayon nya lang nakita sa haba ng panahong nakatago ito.



"Yun ba yung name ng kaibigan ko noong bata pa ako?? Hmmm..." sabi ni Dennise at nag isip.

"Aist! Hindi ko maalala" sabi nito at binalikan ang kaninang ginagawa.



Abala sya sa pag lalagay ng gamit sa kanyang bag ng mag ring ang cellphone nito. Kumunot agad ang noo ni Dennise ng makitang unknown number ito. Nag dadalawang isip man ay na naig pa rin na sagutin na lang ang tawag.



"Hello Ms Lazaro..." sabi ng isang lalaking malagom ang boses.



Hindi naman nag salita si Dennise at hinayaan na lamang na ang lalake ang mag salita.



"Mukang ayaw mong mag salita so....sige" sabay tawa nito ng malademonyo. Naikuyom naman ni Dennise ang kanyang mga palad."Ihanda mo na ang sarili mo at ang buong elite team nyo dahil parating na kami malapit na malapit na..."

"Sino ka bang hayo---" Hindi na naituloy pa ni Dennise ang kanyang sasabihin ng mawala na ang linya.



Nang matapos ang tawag ay dali dali nyang kinuha ang laptop at may kung anu-anong device syang ikinabit doon at saka huling sinalpak ang phone. Sa kasamang palad ay wala syang nakitang kahit anong trace kung saan at kung kanino nanggaling ang tawag.

Agad nyang dinial ang number ni Fille. Agad naman itong sinagot ng kaibigan...


"Dencio napatawag ka??" Bakas sa boses ng kaibigan ang antok dahil halos mag hahanting gabi na rin.

"Sorry sa istorbo besh....pero I need your help. Ikaw lang naman ang magaling sa ganito eh"

"Ok. Sige pupunta na ako. Pakiantay na lang ho ako.." Fille.

"Thank you. Bye. Ingat ka" sabi ni den bago patayin ang tawag.

………………………

My First And Last (AlyDen)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon