25

191 0 0
                                    

D E N N I S E




Nandito ako sa terrace nakaupo lang habang nakatingin sa kagandahan ng mayon volcano. Ang sarap sa pakiramdam ng tahimik lang, malayo sa ingay at polusyon ng manila. Parang gusto ko na tuloy ditong tumira haha.

"Ang sarap tumira dito noh" sabi ng isang napakapamilyar na boses na yun na kilalang kilala ko. Hindi na lang ako lumingon at nanatili na lang na nakatingin sa mayon.

Grabe. Mind reader ba sya? Ay Oo nga pala, Psychology student nga pala tong babaeng toh.

"Gusto mo ba?" Natatawang sabi ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin sya sakin na nakangiti.

"Oo ba. Basta kasama kita" sabi nya.

Para namang nagpantig ang mga tenga ko ng marinig ko yun. Yung puso ko naman parang tumalon sa saya dahil sa banat ng babaeng toh. Nakakainis sya. Sobrang nakakainis sya. Pakiligin ba naman ako! 😳😳

At Oo na! Oo na! kinikilig ako ng sobra hindi lang halata. Alangan naman mag titili ako ng mag titili dito di ba eh....kung pwede lang talaga haha.

"Ang bolera mo pala noh" natatawang sabi ko. This time tumingin  na ako sa kanya at itong kasama ko ngiting ngiti naman at nakalabas pa ang dimples lalo na yung sa ibaba ng mata nya. Ang cute lang hehe.

"Nag sasabi lang naman ako ng totoo eh" nakangiti sya at diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Sht naman oh! Sabihin nyo sakin kung bakit imposibleng hindi mahulog sa babaeng toh? Nakakainis naman eh.

"Ewan ko sayo" sabay tabig ko ng muka nya. Konti na lang kasi malulusaw na ako eh.

"Ayieeee kinilig sya hahaha. Crush mo na ako nyan?" Natatawang sabi ni Alyssa

"Ang tigas ng muka mo ano po. Saka ikaw crush ko? Hahaha hindi noh" kasi nga mahal na po kita. Ahe hahaha.

Napayuko sya at nakahawak sa dibdib nya kung nasaan ang puso. Nag panic naman ako dahil baka hindi na sya makahinga or sumasakit ba ang puso nya or ano. Lumuhod ako sa harapan nya habang nakayuko pa rin sya.

"Aly ayos ka lang ba? Hindi ka ba makahinga? May masakit ba sayo? Ano!" Sabi ko at hinawakan ko ang mag kabiliang pisngi nya para iangat at patinginin sya sakin.

"Alyssa.." sabi ko uli.

Tinuro nya ang puso nya at dahan dahang kumukurba ang ngiti sa kanyang labi.

"Ang shakit kasi ng sinabi mo eh" parang bata nitong sabi at nag pout pa.

Agad ko namang inalis ang mga kamay ko sa pisngi nya at marahas na tumayo.

"Hindi ka nakakatuwa" naiinis na sabi ko at pumasok na ako sa loob.

"Uy! Den joke lang" rinig ko pa sabi nya. Ewan ko sayo! Bahala ka sa buhay mo!

My First And Last (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon