23

167 2 0
                                        

Third Persons POV

Maagang nagising si Gretchen dahil sa ingay ng kanyang cellphone. Kinuha nya ito sa side table nya at sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan ang caller ID.

"Hello?"  Sabi nito sa kabilang linya.

"Good morning Gretch. Si Fille toh" napabangon agad si Gretchen ng marinig na si Fille pala ang tumatawag.

Tiningnan nya ang caller ID at hindi nga sa nag kakamali or namamalik mata dahil si Fille talaga ang naka register sa caller ID ng phone nya.

"Gretch, are you there? Baka naistorbo kita. Sorry sige mamaya na lang"

"Fille wait!...a-ano hindi mo naman ako naistorbo eh hehe" nahihiyang sabi nito habang mahigpit na nakayakap sa medium size na si stitch.

"A-ah ok hehe. Inform ko lang sana na bukas na ang alis natin pa albay. Don't worry nakapag paalam na tayo sa mga prof. natin and pumayag naman sila"

"Ah sige. Sabihan ko na rin si Alyssa. Thank you" ngiting ngiti na sabi ni Gretchen.

Natahimik ang kabilang linya kaya nag salita na si Gretchen. Pero ang hindi nya inaasahan ay sabay pa silang nag salita.

"See you..." Gretchen.

"See you..." Fille.

At nawala na ang linya.

Para namang ewan si Gretchen na pagulong gulong sa kanyang kama pag katapos ay kakausapin si stitch.

"Stitch did you hear that? See you daw!...pfft...para akong tanga shaks hahahaha!" Sabay hampas sa stuff toy.

Habang si Fille naman ay pakanta kanta pa habang papunta sa banyo para maligo. Kung anu-ano lang ang kinakanta nya wala namang makakarinig sakanya kahit gaano pa sya kalakas kumanta dahil sound proof naman ang kwarto nya.

"Woops! Kiri woops! Kiri woops! Every time I see youuuuu...lalala! Hahaha"



……………………

"Mukang good mood ka ate Gretch ah?" Sabi ni Bea.

Nasa library sila buong squad. Nag rereview, gumagawa ng thesis or kaya naman gumagawa sila ng home work. Pasimple namang kinurot ni Alyssa si Gretchen para makuha nito ang kanyang atensyon.

My First And Last (AlyDen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon