28

461 6 1
                                        

Exact 6 am ng magising si Fille ng makaramdam sya ng gutom. She's ready to jump out of her bed ng maramdaman nyang may nakayakap sakanya. She looked to her right side and found a sleepy head beside her. Si Gretchen na mahimbing pa ring natutulog.

Napangiti na lamang sya.

Dahan dahan nyang inalis ang pag kakayakap sakanya ni Gretchen at saka dahan dahan itong nag lakad palabas ng kanilang kwarto. Sakto namang dumating na rin ang breakfast nila.

"Good morning po Ma'am ito na po ang pag kain nyo" nakangiting sabi ng bell boy.

"Salamat kuya. Pakiiwan na lang po dyan" sagot naman ni Fille.

Pag katapos mailagay ng bell boy ang mga pag kain sa lamesa ay agad rin naman itong lumabas. Nauna ng kumain si Fille dahil tulog pa naman ang kasama nito. Hindi naman nya ito magawang gisingin dahil mahimbing pa rin ang tulog nito.

"Hi good morning.."

Napatalon naman sa gulat si Fille ng marinig nya na may nag salita sa likuran nya. Muntik pa nga itong mapamura dahil sa tindi ng gulat.

"I'm....sorry kung nagulat kita hehe" Nahihiya ng sabi ni Gretchen.

"No it's ok .." Fille.

"You know....kumain ka na then after mag shower ka na pupunta pa tayong hospital" Dagdag pa ni Fille.

Tumango naman si Gretchen at nag simula na ngang kumain. Habang si Fille naman ay mag shoshower na. Kumakain lang si Gretchen ng maalala na naman nya si Jirah dahil nakita nya ito sa hospital.

"Ano bang ginagawa ni Jirah don sa hospital?" Gretchen thought.

Winakli na lamang nya ito sa kanyang isipan at tinapos na ang kanyang kinakain. Sakto rin namang kalalabas lang ni Fille sa kanilang kwarto na mukang bihis na bihis. Nag susuklay itong lumapit kay Gretchen.

"Ligo na" Fille. Tumango lang naman si Gretchen.

Sinundan lang naman ni Fille ito ng tingin habang papasok ito sakanilang kwarto. Nag aalala pa rin sya kay Gretchen dahil sa nangyare kahapon, mukang na trauma ito.

Biglang tumunog ang kanyang cellhpohen na nakalagay sa back pocket nya kaya agad nya naman itong kinuha.

1 Message from Dencio

Besh wag na kayong pumunta ng hospital discharge na rin si Aly. Uuwi na rin kami.

Nireplyan nya naman agad ito at saka itinago uli ang telepono.

"Fille tara na?"

Napalingon naman si Fille sa nag salita. Nakasuot ito ng gray polo shirt, black rip jeans and Nike shoes. Napatulala sya sa magandang-gwapo na si Gretchen.

"She looks so perfect.." Fille thought.

She's back in reality when someone snaps a finger in front of her face.

"OK ka lang?" tatawa tawang sabi ni Gretchen.

"A-ahm...ano...Oo naman haha" Fille.

"Putcha naman self nakakahiya ka" Fille thought.

"By the way, wag na daw tayong pumunta ng hospital sabi ni Den kasi discharge na rin daw si Alyssa" Fille.

"Ah ganon ba.." Gretchen.

Tumango na lamang si Fille. Habang si Gretchen naman ay naupo na lamang sa sofa at binuksan ang TV. Napatingin naman uli si Fille kay Gretchen. Napaisip ito, tutal ay wala na mana silang gagawin ay naisip nyang yayain si Gretchen kung saan man.

My First And Last (AlyDen)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon