2 days para makilala ang lahat ng mga kaklase, how bored, pero gusto ko ring makilala si Mike, kakaiba siya but i didn't get a chance, lagi siyang alone, popular
naman siya pero ayaw niyang nilalapitan siya. Si Karl lang naman ung tanging taong nilalapitan at lumalapit sakanya. Ba't ba siya nasa isip ko? hindi ba dapat
nakikinig ako sa tinuturo ng teacher namin? weird.
Nagulat nalang ako,when the bell rang, recess na at di ko man lang alam kung tungkol saan ang tinuro ng subject teacher namen sa Science. At dahil dun, nawalan
na kong gana kumain at nagpalit nalang ako ng P.E. uniform para sa next subject.
"PPRRIITTTTTT!" our coach whistled loudly.
"Omg guys! PE ngayon!, mapapanuod nating magbasketball si Mike!"- tili ng mga katabi kong girls.
what's interesting about that masungit? nakakainis naman tong mga katabi ko!
"Ok class! form a straight line, specifically by height!"
"Yes Sir!"
"Ok, start stretching!"
We all stretch together, napatingin ako sa mga babaeng nasa harap ko na ang iingay dahil lang sa nagiistretch si Mike?, ano ba naman yan!, halos lumabas na ung
mga mata nila kakatitig sakanya.
"Ok class! kung sino ang kalabel niyo na boy sa line, sila ang magiging kapartner niyo for the presentation, after practice."
Moving my eye,hoping na hindi si Mike ang kapartner ko. Move,Move,Move, thank goodness hindi siya! dahil 22 ang boys at 21 ang girls, syempre, pagby height,
lahat ng matatangkad sa likod, and at this point, pareho kaming nasa likod, phew, muntikan ko pa siyang makapartner, buti nalang 21 lang kami.
"Oh Mike? wala kang kapartner?"
"Obviously"
Ba't ba porket may-ari ng school, pinapayagang ganyan sumagot si Mike?
"Sir! ako nalang po!"- other girls suggested
"No! ok Mike!, ako ang kapartner mo for today!"
"SIR!SIR! SIR! Wait!" (Someone)
"Sino ka? do you belong in this class?"
"Opo sir!, i'm Ericka Palenio. Di po ko nakapasok sa first two days ng class, kase po nagkasakit po ako."
"Ok lang ba sayong sumayaw na? baka mabinat ka"
What?! please say no! ayokong maging kapartner si Mike pls! ikaw nalang partner niya!
"Ok lang po ako sir! i can dance po"
"Ok, luminya ka na, so Dianne, ikaw ang magiging kapartner ni Mike sa Dance"
"Pero Sir.."
"Pls don't waste my time"
"Opo sir"
"Ok class get ready"
I walk closer to Mike, as our PE teacher told us...
"Anu ba naman yan, si Dianne pa kapartner ni Mike"- commentators (girls)
I looked at them fiercely, di ko na mapigilan ung sarili ko, kanina pa sila nakakabanas, kaya tinitigan ko sila at dinilaan. Ahaha i'm such a feeler pero sa totoo lang,
naaawkward na ko sa situation namin ,dahil hanggang ngayun, inis na inis parin ako sa lalaking to.
"Ok class, get closer!, girls! ilagay niyo ang inyong isang kamay sa balikat ng boys, and the other hand is on top of the boys hands"
I can't look into him, tinitiis ko nalang na nakababa ang ulo ko at di mapakali ang mga mata ko...
"Perfect! ok! sige! continue!"
Our PE teacher walked around all of us to see if we're all doing the right thing. He walked back and turned off the music...
"Stop! Dianne and Mike!, is there any problem? Dianne! straight mo yan likod mo! at Mike support her and lead the way! Dito nga kayo sa harap!, at dito kayo sumayaw"
Mike released me as he first walked papunta sa harap, galit pa kaya siya saken? Malamang Oo, tsk.
"Oh Dianne?! ano pang tinutunganga mo diyan?! MOVE!"
"Yes Sir"
Walking in front.Kainis talaga to, ba't pa kase siya pa. Ginawa namin ang sinabi ni Sir, sumayaw kami sa harap habang pinapanuod kami ng mga kaklase namin, we
get closer and closer... and slowly lifting my head trying to reach his eyes, i almost see them when..
"Ah!"
His eyes, i finally see them. But i accidentally slept off.
"I got you"- Mike
Nakahawak ako sakanya, habang he supports me with his hands... parang isang fairytale and his face so close to mine.
"Wala naman ata kayong balak na magkiss sa position niyong yan?"
"hahaha"-Boys
"Yieee"-Some girls
"Anu bayan ang landi naman ng girl, dinadamay pa si Mike"- commenators
He pulled me back up at we look away from each other, nakakahiya, sa harap pa talaga nangyari.
*RINGGGGGGGG!!!!!!!!!!!*
Hala! Late na ko! kelangan ko ng pumasok!
Late na ko sa class ko, and as expected,pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko pagpasok ko sa class.Ganyan naman parati di ba? Basta nalate ka, para kang artista
pagpumasok ng room. Tas sabay tatanungin ka ng teacher mo kung ba't ka late? minsan may mga nagpapalusot. Pero paano naman ung di nagpapalusot at un
naman talaga yung nangyari? wala ka nanamang magawa. Teacher eh, kelangang respetuhin.
"Sorry ma'am i'm late"
"Hmm, let me see, traffic?late nagising?, sige, you may take your seat."
Going to my seat, nadaanan ko ang aisle ni Mike, as usual, sa window lang siya nakatingin.
"Karma yan girls"- Sandra
"Haha"-Alex
"Stop it both of you"-Karla
Umupo na ko sa chair ko. Bea smiled at me, halatang di talaga siya comfortable sa seat niya. And so, ilang oras lang natapos na and first three subjects namin.
Niyaya ako ng mga new friends ko na pumunta sa canteen, but i suggested na puntahan muna namin si besty para mapakilala ko rin sila.
Sinundo namin si Rica, nakasalubong ko si Karl sa pinto nila, kaya itinanung ko nalang sakanya. Sinundo namin si Rica, mukhang nakikipagchismisan lang naman
siya, kaya niyaya ko na siya sa canteen.
We all go together sa canteen, umupo kami sa isang mahabang table.
"We'll?Hi miss" Said Mico with a Wink
Sabay nairita naman si besty.
"So guys! ito nga pala si Rica, in short, besty ko. Btw, Rica, ito nga pala sina Anton, Enzo,Leslie, at Bea."
"Teka, pano ako?"- Mico
"haha at yan nga pala si.."
"Just call my name, and i'll be there, Hi i'm Mico the singer"- sabay halik ni Mico sa kamay ni Rica
sabay pull-off ni Rica ng kamay niya bago pa dumikit ang lips ni Mico.
Halos kami lang ang pinakamaingay na nag-uusap sa canteen. Lalo na dahil patawa ng patawa si Mico. At halata namang naiirita si Rica sakanya haha.
"Rica, may boyfriend ka na?, kung wala pa, baka pwede akong mag-apply"-Mico
"Sorry, student palang ako, i don't own a company"
"Besty, Ganito ba talaga tong kaklase mo? weirdo?" bulong saken ni Rica while showing Mico her fake smile.
"haha, mabait yan besty, nagpapatawa lang yan" sabi ko
The bell rang again which means, oras na para bumalik sa room. Bumalik na kami sa kanya-kanya naming classroom at nagpalit na kami ng PE uniform para sa PE
class namin.
"Alam mo Leslie, parang di ata ako natunawan dun sa kinain ko kanina"
"ano bang kinain mo?"
"Laing"
"nako, PE pa naman, pray mo nalang na di heavy activities ung gagawin natin."
Maya-maya ay nandiyan na ang coach namin at agad niya kaming pinaakyat sa Multi-Hall/Activity area ng School.
"Ok class, i'm going to teach one of the common dance, pumila na kayo by height"
"yes sir"
Ba't parang nakita ko na to? OM! magiging kapartner ko ba si Mike?!
"Oh Mike? wala kang kapartner?"
"Obviously"
What?! ano to? premonitions? NO!!!
"Sir!"(someone)
"Do you belong in this class?"
"Yes sir! My name is Helena Malay po"
Ay hindi, iba pangalan eh..
"Ok!, Dianne! ikaw ang kapartner ni Mike"
"Po?"
"Sabi ko , ikaw ang kapartner ni Mike!, C'mon! move it!"
"Opo sir"
Mukhang nangyari na to ah, some kind of deja vu? Kelangan kong ayusin ung pagsayaw ko, para di kami pasayawin sa harap! Focus pls.!
We started dancing. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Ng biglang...
"Buaehhhh!"-Me
I throwed-out, di ko na napigilan!, sa kakafocus kong hindi mangyare ung nasa panaginip ko, di ko na napigilang hindi masuka. Nakakahiya talaga, speechless si
Mike, di man lang siya nagcover ng ilong niya,nakatayo lang siya at di gumalaw.
"Dianne! ano yan!"- Coach
"Sir di po kase maganda yung pakiramdam ni Dianne sa kinain niya kanina"- Leslie
"Sige Les, ihatid mo muna siya sa Clinic, Enzo! tumawag ka ng janitor. Ok ka lang Mike? Sige na magpalit ka na dun"- Coach
"Yuckk!,ewww!"- Ibang kaklase.
"Yuck! Ano bayan, siya na nga tong nakapartner ni Mike, sabay sinukahan niya pa"- The Sillies
"ok! go back to you classroom, we'll continue the activity next week!"-Coach
"Mike, i'm really really sorry, di ko sinasadya!" i said, habang pinupunasan ko ng panyo ang suka ko sa damit niya.
Wala siyang sinabi, umalis lang siya, di man lang siya nagreply, sa sobrang hiya ko, lumabas na agad ako sa gym at hinatid na ko agad ni Bea sa clinic. Sobrang
nakakahiya. Di na ko pinastay ng nurse sa clinic at pinasundo na ko sa driver ko. When i got home, umakyat ako agad sa room ko, di ako mapakali.
Dear Blog!, nakakahiya, sa lahat ng pwedeng mangyari,ba't kelangan yun pa? Ano ba kasing meron ung laing na un at napasuka ako. Imbis na mabawasan ung
kasalanan ko kay Mokong, lalo pa atang nadagdagan ung kasalanan ko sakanya, nakakahiya talaga. BAD DAY ULET! T_T :'( </3
Sana ung nangyari nalang kanina yung panaginip, this is so embarassing. Yung ayaw mo ng pumasok dahil sa sobrang hiya mo. Pero kelangan dahil kung hindi,
bababa ung grado mo. :'(--------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Thank you po sa pagbabasa. Please Leave a comment and vote kung minsan ka ng napahiya sa harap ng tao. Thanks po ulet! :)
BINABASA MO ANG
Notice Me: I'm Sorry, I Love You
Teen FictionINTRODUCTION: Naranasan mo na bang magmahal at masaktan? it's a very common question. Of course lahat tayo ay nagmamahal,di lang natin alam kung kelan, at nasasaktan pero di natin alam kung anong dahilan. Pano kung ang...