Chapter 13

10 1 2
                                    

Sa kirami-rami ng mall na pupuntahan ng mokong to, bakit pa kase sa mall pa kung saan kami? Pero di iyon ang inaalala ko habang papunta kami sa JB sports.

Inaalala ko si Rica, marami na kong naging kakumpetensya sa buhay, simula bata,kami ni Rica ang magkasama. Naalala ko pa nung grade 3 ako, iisa lang ang tali

ko nun, at sobrang taba ko pa, tulad ng mga ginagawa ng mga bullies sa katulad ko, kinukutya at pinapahirapan. Dahil di pa ko marunong lumaban, madalas

akong naglilinis ng whiteboard namin, dahil kapag may nagawa silang kasalanan,sakin sila tumatakbo at itinuturo ako. Kaya habang ung mga nangsisi sa akin ay

kumakain na sa lunch at recess, di ako makakain dahil sa liit ko, ilang oras pa bago malinis ang whiteboard. Pero iba si Rica,kahit pareho na kaming inaasar at

kinukutyang dilis, dahil sa pagpasyang tulungan ako atdahil sa mga mukha namin pagkatapos maglinis, kahit puno na ng black ink ung mukha namin kakalinis,

nagagawa parin niyang ngumiti at magpatawa. Hanggang isang araw, nagkahiwalay kami ng school dahil sa lumipat sila ng bahay dahil kelangang magtrabaho ng

parents niya sa malayo, kaya ako nalang mag-isa ang nabubully. Pero kahit ganun, dinadalaw-dalaw parin ako ni Rica,pero naging palaban na siya. Siya ang

nagtatanggol sakin,kapag nadadatnan niyang binubully ako, habang ako,duwag at palaging nagtatago sa likod niya. Ang tagal na naming magbestfriend,pero, ba't

parang mas lumalayo kami sa isa't-isa?, naging MU lang sila ni Karl, madalas niya na kong iwan.

"Security na pala trabaho mo ngayon? mukha kang tanga" sabi ni Mike at nawala ako sa pagkakatulala ko.

"Ha?"

"Excuse me sir"

Aba kung makapanglait tong babaeng to ah!

"Excuse me sir? sino kausap mo?"

"Ay sorry babae pala."

Grabe ha, ikaw nga mukha kang prosty sa suot mo, nagshort ka pa.

Sabay hatak sakin ni Mike papunta dun sa sales man na tinanungan niya ng mga iba't-ibang tatak ng bola na pangbasketball.

"Kung ayaw mong maging pabigat, dito ka lang sa tabi ko"

Di ko alam kung bakit ako nagblush pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yun, medyo nagsasalita na si Mike after nung dinala niya ko sa clinic, well, siguro nga may puso rin to.

"para di na ko mapagod kakahanap sayo" dugtong pa ni Mike. Sa sinabi niya,

Nawala ang pagblush ko at napalitan ng konting inis sa aking mukha. Kalimutan niyo na ang sinabi kong may puso siya, siguro kalahati lang. Ang tagal niyang

pumili ng klase ng bola, eh halos pare-pareho lang naman silang hinahanginan at pinapalobo, anu pa bang gusto niya?

Sa sobrang tagal, siguro mga kalahating oras na kaming nakatayo sa stand ng mga bola at paikot-ikot.

"Dianne, tulungan mo nga kong maghanap"

"Teka ba't ako? wala akong alam diyan"

"eh ano pa ba naman ung alam mo?"

Grabe,kay sama talaga ng ugali ng lalaking to, pag ako talaga di na nakapagpigil, gagawin ko siyang ring at babatuhin ng bola. Wag nalang pala, wala rin naman

Notice Me: I'm Sorry, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon