Chapter 6

18 2 1
                                    

Pumunta ako sa bahay ni best, well, ayoko rin namang masanay na parating may kotse so, kapag ako lang mag-isa, at di naman ganun kaimportante ang lakad ko,

nagtataxi nalang ako. Pumunta kami ni Rica sa isang mall,nagshopping at kumaen. Well actually si Rica pagsiya ang nagshopping, dresses,skirts, hanging at kung

ano-ano pa ang mga pinamimili niya, samantalang ako, polo shirts at leggings or skinny jeans lang, ayoko kasing maging maarte sa isusuot cause i'm not that kind

of fasionista, ito ang isa sa mga bagay na sinasabi sakin ni best. Kaya raw ako nasasabihang "one of the boys" sa dati kong school dahil di raw ako nag-iiba ng

hairtstyle,tapos mga simple lang raw ung suot ko, lalo na the way na kumilos ako. Minsan nga, feeling ko, parang wala talagang  magkakagustong lalaki sakin, pero

palagi kong itinatatak sa utak ko, na kung mahal ka ng isang lalaki, kahit ano pa ang itsura mo at kahit ano kapa, tatanggapin at mamahalin ka niya ng walang

pag-aalinlangan.

Habang naggagala kami, niyaya ko si Rica na pumunta sa isang bookstore. Ayaw niya dahil di naman daw siya ganun kahilig magbasa ng books, and that's why i

have to use my begging powers again, at obviously, it works. Haha minsan parang spoiled bratt narin ata ako dito kay Besty. While searching for a book, nakita ko

si Leslie, nagbabasa siya ng libro sa starbucks na nasa loob ng bookstore, when i look back, biglang nawala si Rica, so i guessed i have to look for her. Nakita ko siya

na nasa magazines shelf, kung saan maraming fasions -_- and so, di ko na siya nilapitan, i head back sa place kung saan ko nakita si Leslie at napaisip ako na

lapitan siya. Pero i stopped from walking at naisip ko bigla kung tungkol saan naman ung pag-uusapan namin? Tsk, i changed my mind at naghanap nalang ulit

ako ng book and then bigla nalang lumitaw sa utak ko na bakit di siya nagsalita nung nagtanong na ko kung ba't kasama si Karla sa mga The Sillies? Is it too

personal? i have no idea. Iyon ang dahilan na nakapagpush sakin para lapitan siya. Pumasok ako sa Starbucks at naggreet.

"Hi Leslie!"

"Oh Dianne!, anung ginagawa mo dito?"

"Haha, kasama ko si Rica, girls day out"

Sa totoo lang, nahihiya akong lumapit dahil sa suot ko. Habang siya, shorts at hanging. Why can't i be them T_T

"Leslie, pwede ba kitang matanong, may gusto lang akong malaman"

"Let me guess, tungkol yan kay Karla di ba?"

"Yes, pls, wala akong pagsasabihan"

"We'll, i guess, di naman lahat ng bagay, naitatago for a long time but it's a long story, pero pls, wag mo lang ipagkalat"

"Pero sa besty ko pwede ba? mapagkakatiwalaan naman siya just in case na masabi ko"

"Sure"

Before magstart talking si Leslie, we ordered some drinks, siyempre, mahaba-habang chikahan rin to. Then she start talking.

"Medyo magulo, but here it goes,heading back one year ago. Si Karla, di talaga siya one of The Chillies. First of all, my half sister siya na sobrang mahal nila ang isa't isa, which is the one na member talaga ng group,pinalitan lang ni Karla ang half sister niya dahil pinakiusapan siya nito. Sikat na group ang The Chillies sa school, di sila ganun kasama dati,nakakatawa silang kasama."

"Teka sino ang half sister ni Karla?"

"Si Andrea. She was my bestfriend, siya rin ang pinakamabait sa grupo nila. Pero one time, she chose her group more than me. Dahil lang sa isang reason. Naging sila ni Mike, they love each other pero, i disagree dahil sa babaero ito, pero napagbago niya si Mike and prove me wrong simula ng naging sila. Till one day, Andrea was heading back home, isang malaking truck ang nakabanggaan niya, she's still fighting hanggang makarating siya sa hospital and so, tinawagan ako ni Karla para puntahan sila. Nung nakarating na ko, she apologized sa lahat ng nagawa niya sakin kahit alam kong wala siyang kasalanan, and she beg her sister Karla ,na pumalit sakanya sa The Chillies para mapagbago ang girls katulad ng pagbabago ni Karla kay Mike ."

"Pano si Mike?"

"Ayaw niyang makita siya ni Mike na ganon, kaya sinunod ko siya. Ayaw niyang makitang masaktan si Mike dahil mas masasaktan daw siya, pero sabi niya, sabihin ko raw na umalis siya to go somewhere na malayong-malayo, at ginawa ko lahat ng sinabi niya, pero dumating ung araw, na Mike keeps asking questions about her, hanggang sa nalaman niya ang totoo nung sinadya niyang puntahan ang bahay ni Andrea, at simula nun, every weekend he spend his day na kausap ang

puntod ni nito.Until now,Andrea's memories still alive para sakanya"

Di ako makapagsalita sa mga sinabi ni Leslie at i felt sorry for them. She can't stop from crying ren, but i comfort her,  dahil sa mga kwento niya, i have forgiven

ang lahat ng mga nangyari. Ang The Chillies at si Mike. Naunderstand ko sila at ang mga pinagdadaanan nila. Di ko maimagine na totoo palang may ganito. Sa

sobrang felt bad ko, naubos ko na ang drinks ko kakasipsip. Until dumating si Rica.

"Walangya ka, kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala? akala ko kung ano ng nangyare sayo, di ka man lang nagsabi?!"

"Best kalma, nag-uusap lang kami ni Leslie"

"Eh di sana sinabi mo, marami na kong nabiling libro, halos ubusin ko na nga lahat eh,ambigat kaya"

"Sus! fashion magazines lang naman, akin na nga. Sige Leslie, see you sa school ha, bye!"

"Sige bye, ingat kayo"

"Uy teka! sali ako, chikahan tayo!"

"Wag naaa, halika na uwi na tayo"

"Peroo"

Ang kulit talaga ni besty, nagdadrama pa ko dahil sa pinag-usapan namin ni Leslie, sabay sumulpot siya at naloka dahil iniwan ko, eh siya nga tong nang-iwan pero

salamat narin sakanya dahil kung di niya ginawa iyon, siguro di ko malalaman lahat ng napag-usapan namin ni Leslie. Umuwi na kami ni Rica, grabe ang daming

magazines, ikaw ba namang ang bumili ng isang katutak na magazines!? pasalamat siya at nagpasundo siya sa driver niya, dahil kung hindi, reklamo sa

pagbubuhat ang aabutan niya sakin.

----------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Thanks for reading. Please leave a comment and vote kung gusto niyo. Thanks po ulet! :)

Notice Me: I'm Sorry, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon