(Sa bahay) Saturday
Bumisita si Tita Tina para kamustahin at imbitahin kami sa 1 year anniversary ng namatay niyang asawa na Tito namin. Kaso late na kong nakagising kaya habang
kumakain sila sa handaan na hinanda ng mom ko, ay pumunta ako sa puntod ng tito ko to visit him.
I prayed for him, at binasa ko sakanya ang librong palagi niya binabasa sakin dati tuwing nagbabakasyon ako sakanila. Ang Little Mermaid, siguro alam niyo na ang
kwentong ito, isang taong kalahating katawan ay isda na umibig sa isang buong tao. Pauwi na ko at nagpaalam sa tito ko. Medyo ayaw ko pang umuwi sa bahay
nun kaya naglakad-lakad muna ako sa loob ng cemetery dahil tahimik, at dito, nakakapag-isip ako ng maayos. Di naman masyadong nakakatakot dahil may araw
pa naman at tsaka may mga naglilinis din.
Naglalakad ako nun. Sa pag-iikot ko sa loob, ay may nakita akong taong nakahiga sa isang puntod. Lumapit ako para kausapin at sabihann nakatulog siya. Pero
nagulat ako sa nakita ko, si Mike ang lalaking nakahiga at natutulog sa isang puntod,naalala ko agad si Andrea. Tinignan ko ang pangalan ng puntod at di nga ko
nagkamali, "Andrea Marasigan" at sa baba ng pangalan ay may nakasulat na "April 11,1998-March.01,2013" at sa baba ay "A Wonderful and A loving girl" at sa baba
pa nito ay may nakasulat na "Don't Change For Someone,Change For The Better". Habang binabasa ko ang quote na nakaukit sa tombstone ni Andrea, bigla
nalamang napaupo at napatingin sakin si Mike.
"Anong ginagawa mo dito?" he finally spoken.
"Binisita ko lang ung puntod ng tito ko, di ko alam na nandito karin"
Di siya umimik at inilingon nalamang ang ulo sa puntod ni Andrea. Umupo ako sa tabi niya para mag-apologized sa ginawa ko.
"Sorry"
"Para san?" sagot niya habang tinatanggal ang mga dahon na lumilipad sa tombstone.
"Sa nangyari nung isang araw"
"Ako dapat ang magsorry, kasalanan ko. Pero sana wag na nating pag-usapan"
Tumahimik ang paligid, medyo naging cloudy ang sky at alam kong uulan na pero di ko pinansin at kinausap ulet si Mike.
"Sino siya? Girlfriend mo?" Pagtatanong ko na kunwari ay di ko alam na alam ko na.
Tumango lang siya at di nagsalita.
Ang bata papala nito ni Andrea siguro mga nasa 16 years old palang siya. Iningatan ko ang mga salita at tanong ko para hindi mainis si Mike.
Nag-alay siya ng prayer para kay Andrea at ipinakilala niya ko sakanya. Nalulungkot ako sa mga oras na iyon. Pero sa oras rin na iyon ay mas naging maunawa ako
kay Mike. Buti nakaya niya kung ano man tong pinanghahawakang problema niya ngayon. Hindi lang pala ako ang may problema, di ko man naisip na posibleng
mas may malalang problema ang mga taong katulad ni Mike.
Sinamahan ko si Mike ng ilang oras at nakipagkwentuhan lang ako sakanya, at mahinahon ang mga sagot niya, di tulad nung kapag nasa school kami. Matino at
maayos siyang kausap.
"Alam mo, kamukha at katulad mo siya, simple lang, medyo madaldal din, pero ang pagkakaiba niyo, mas palaban siya. Kaya hinahangaan ko siya at nainlove ako for the first time. Imbis na samahan niya ang grupo nilang The Chillies na mambully, ayun siya, nasa side ng ibubully nila Alex at Sandra at kinakaibigan niya rin ang mga iyon, habang pinag-sasabihan niya ang dalawa."
BINABASA MO ANG
Notice Me: I'm Sorry, I Love You
Teen FictionINTRODUCTION: Naranasan mo na bang magmahal at masaktan? it's a very common question. Of course lahat tayo ay nagmamahal,di lang natin alam kung kelan, at nasasaktan pero di natin alam kung anong dahilan. Pano kung ang...