Nasa harap namin sila Rica at Karl na siyang nag-uusap habang magkaholding hands. Habang sabay naman kami ni Mike sa paglalakad na siyang nasa likod nila.
Medyo awkward dahil di kami nag-uusap. Nakatingin nalang ako sa kamay nila Karl at Rica. Napa-isip tuloy ako, ano kaya yung feeling kapag nagkaboyfriend ako? ganun ba kasarap pagmay boyfriend? Yung tipong andiyan parati para sayo? hmm.... ba't ko nga ba iniisip yan, dapat magstay put ako sa studies ko, hindi sa lovelife, masyado pa akong bata para diyan. Hmp!
Nagtatawanan sila Rica at Karl, nakakainggit sila. Ang sweet nila, sana pagnagkaboyfriend ako, magiging masaya din ako.
Nakatingin lang ako sa kamay nilang magkahawak na halos hindi nagkakahiwalay. Habang naglalakad kami, may kumuha ng atensyon ko, isa sa mga pinaka-ayaw na ayaw ko sa buong buhay ko. Dahil kalye ang dinadaanan namin ay may sumulpot na isang askal na aso na papalapit sa amin, di ako takot sa aso, pero kapag askal, iba na yan. tas asong tipo na tumutulo pa yung laway na parang gusto kang kainin...
Napayuko nalang ang tingin ko at halos magdasal na ko para hindi ako lapitan ng aso, pero sumusunod siya sa amin. Napansin ko na bigla nalang siyang umupo sa gilid. Kaya nakahinga ako. Tinignan ko kung nasan na ung aso, nilingon ko ito at tila naglalaway, tumayo ito mula sa pagkaka-upo at biglang tumakbo papunta sa direksyon namin. Napahawak ako ng sobrang higpit sa braso ni Mike. Sa sobrang takot ko sa aso, di ko kayang bitawan ung braso niya...
"Wag please!" bulong ko habang nanginginig dahil sa pagtakbo ng aso... Huminto kami sa paglalakad at napatingin sakin si Mike, napatingin rin sa amin sila Karl at
Rica...
"Baket?"
tanung sa akin ni Mike habang hinahawakan ung kamay kong sobrang higpit ung yakap sakanya...
"Yung aso kase.." di ko na napigilan ang luha ko sa takot at tumulo ito. Ramdam ko ang paglagay ni Mike ng kamay niya sa likod ko
"Ahhh ito ba? hahaha, meet Max! madalas yan dito Dianne, napapakain ko pa yan minsan ng fishball, wag kang matakot, naninibago lang siguro siya dahil ngaun kalang niya nakita sa school na to"
pero di ako nakapagsalita. Tinawanan nalang ako ni Besty. Kasalanan ko ba kaseng may ganyang aso dito?
Binitiwan ko na agad si Mike pagkatapos kong marinig ang mga sinabi ni Karl. Naglakad na ulit kami papunta sa Bus stop. Nagulat nalang ako ng biglang hawakan ni Mike ang kamay ko habang naglalakad
"Di kita pababayaan"
Di ko siya maintindihan kung bakit niya nasabi ang mga salitang iyon. Di ko pa naririnig sakanya iyon at di ko maimagine na nagiging mabait siya sa akin. Iniisip ko nalang na dahil lang siguro iyon sa pagbigay ko ng towel at water sakanya, kaya di ko nalang pinansin.
Di ako makatingin sakanya dahil hawak niya ang kamay ko. Di nagtagal ay narating narin namin ung bus stop at may dumating naring bus. Pumasok na kami. Nakauniporme kami sa bus at oo, kilala ang school namin dahil iyon lang ang school na malapit sa mga libangan na lugar at marami ring taong nadadaanan ito.
Wala ng upuan, kaya pinili nalamang namin ang tumayo. Aaminin ko, di ako sanay na sumakay sa bus, dahil sinusundo ako ng driver namin, di ko nga ba alam dito kay Rica kung saan kami pupunta at kung ano ung plano nila. Habang nakatayo kami, iniisip ko ung mga nangyare kanina, habang nakayakap ako kay Mike, iniisip ko kung may kahulugan ba ung mga sinasabi niya sakin, bakit kapag siya ang nagsabi, parang di ko na kelangang mag-alala pa. Ung tipong alam mong ligtas ka.
Sa di kalayuan, narating na namin ung pupuntahan namin. Nag-umpisa na kaming nagorder ng pagkain at kumain. Nakikita ko ang effort ni Karl kay Rica, di naman pala siya ganun tulad ng iniisip ko, playboy man siya, pero nakikita kong seryoso siya sa kaibigan ko, at alam kong, di niya ito magaagawang saktan dahil kapag ginawa niya yun, bubugbugin ko siya.
BINABASA MO ANG
Notice Me: I'm Sorry, I Love You
Teen FictionINTRODUCTION: Naranasan mo na bang magmahal at masaktan? it's a very common question. Of course lahat tayo ay nagmamahal,di lang natin alam kung kelan, at nasasaktan pero di natin alam kung anong dahilan. Pano kung ang...