Dahil sa kakaisip ko at sa sama ng pakiramdam ko, i accidentally fell asleep at nagising nalang ako kung kelan maghahapunan na pero wala akong gana, di ako
kumain at nagstay lang ako sa computer ko.
>Blog
Yan ang mga three things na pinagtutuunan ko ng oras, everyday, how boring di ba? i know...
"Babaeng sumuka sa uniporme ng anak ng may-ari ng isa sa pinakasikat na school (Funny Video)"- Facebook
"My Gosh! kadiri kanina ung girl, sinukahan niya si Mike?!" "Yuck! kadiri naman ung babae!" "Immatured yuck!" -Tweets
What?! ambilis namang kumalat sa socials, sino ba talaga yung kumukuha ng video? ano ba to?, nakakahiya talaga, di makatarungan to!, ako na nga tong sumama
ung pakiramdam, tas ako pa napaginterasan?!
Tinawagan ko si Rica and even she knows kung ano na rin ung nagyare, i hate this. Ok na nga na napahiya na ko, di pa ba enough yun? gusto kong patayin ung taong gumawa nito. Di man lang nakonsiyensya!
Ba't ganito ang social? ambilis kumalat, aksidente lang naman ah. Manda ka talaga saking stalker ka, kung sino ka mang kumukuha ng video! patay ka saken!
Trying to be strong.
(The Next Day)
*Ding Dong*
"Oh Rica? kamusta ka na?"
"Ayos lang po manang, magkasabay po kase kami ni Dianne na pupunta ng school"
"Ahh oo, nasabi niya na, teka tatawagin ko lang"
"Sige po"
Sabay kami ni Rica na pumunta ng school, di niya ko iniwan, pagpasok palang namin ng gate, pinag-uusapan na ko kaagad ng mga students, mapalow or high
level man. Tinignan ko si Rica and she look back at me na parang sinasabi niya na, wag ko lang silang pansinin. Habang papasok na kami ni Rica papunta sa
classroom ko, nakaabang ang The Sillies.
"Alam mo girls, nakakadiri talaga yung babaeng sumuka kay Mike noh? Di man lang niya alam na susuka siya?,nakakahiya. How pathetic"-Alex
"Onga eh, grabe, kumalat na sa socials ung mga ginagawa niya, KA-DI-Ri"-Sandra
"Girls, stop it, it's not funny"-Karla
"Karla ,marami ng nagawa ang babaeng to, at kelangan niyang matuto"-Alex
Pumasok na si Karla sa loob ng room, halatang ayaw niyang madamay sa kung anuman ang gagawin ng dalawang monggoloids na to, while Rica stared at me. I hold her arm cause i know na gusto niyang patulan ang dalawa.
"Beeest, nagpipigil ako" Sabi ni Rica sakin habang suot nanaman ang napakanaiinis niyang smile.
"Best pigilan mo lang" I said...
But the two girls ain't stopping offending me.
"Alam niyo? kayong dalawang butiki kayo, kung ayaw niyong masaktan,umalis kayo at papasok na ang bestfriend ko"
"Di mo kilala kung sinong kinakalaban mo RI-CA"-Sandra
"Aba talaga naman!" malakas na sabi ni besty
Dahil sa galit ni besty, sasampalin niya na dapat ang dalawa kaso biglang dumating sila Mike at Karl. Sabay hinawakan ni Karl ang panampal na kamay ni Rica.
"Halika na,Rica. Girls, stop it"- Karl
"Pero Karl"-Sandra
"I said stop it!" Sigaw ni Karl at umalis na kasama si Rica
"Besty! wag kang magpapaapi sa mga hayop na yan!" sigaw ni Rica saken
Umalis na sila Karl at Rica habang nakatayo pa din si Mike sa gilid namin ng mga the Sillies. Nagulat ako ng bigla nalang akong hatakin ni Mike paloob ng classroom
at sa seat ko. Pero sa sobrang sakit ng hawak niya ay tinanggal ko ang kamay niya.
"Aray! nasasaktan ako!"
"Ang landi mo kase!" sigaw sakin ni Mike
Umalis siya at umupo sa upuan niya. Tahimik siyang tao ulet na parang wala lang nangyari. Nilapitan ako ng mga kaibigan ko.
"Dianne ayos ka lang?"- Bea
"Oo, ayos lang ako"
"Alam mo, buti nalang, dumating si Mike at Karl, kundi, maiispell ka na kaagad dahil sa The Sillies"-Enzo
Habang nag-uusap kami ay biglang lumapit si Karla.
"Dianne, sorry sa mga ginawa nila, ako na ang humihingi ng tawad"-Karla
"Di mo kelangang humingi ng tawad Karla, It's ok"
Nginitian ako ni Karla at sabay bumalik na sa seat niya. Dumating na ang teacher namin para sa first subject at umupo narin ang lahat ng students. Tama si Bea,
delikado nga ang upuuang ito dahil napapaligiran kami ng The Sillies. Habang tumatakbo ung oras, di na rin ako mapakali sa seat ko, halos sa lahat ng oras
nakatitig lang sila sa akin. Another damn day.
Lunch time na, ayaw ko munang dikitan ang mga new friends ko nor puntahan si Rica, dahil naisip ko na baka madamay sila. Nachempuhan ko sa Library si Leslie,
mag-isa siya, marami akong gustong itanong pero parang may pumipigil sa akin.
Uwian na,without even noticing na TGIF. Bukas ay ang aming family day-out, pero since hindi nagpapansinan ang parents ko, i guess, ako nalang lalabas bukas.
Hmm, pwede kaya si Rica bukas? well, siguro wala namang gagawin iyon. I called her and as expected, pumayag siya. All scheduled na bukas ang gagawin ko,
sana nga lang, walang mga panira.
-------------------------------------------------------------------------
Author's Note:
Thanks po sa pagbabasa ng chapter na to. Pls leave a Comment and Vote, Kung meron kayong kaibigan ni Rica na protective sayo. :)) Thanks po ulet!
BINABASA MO ANG
Notice Me: I'm Sorry, I Love You
Teen FictionINTRODUCTION: Naranasan mo na bang magmahal at masaktan? it's a very common question. Of course lahat tayo ay nagmamahal,di lang natin alam kung kelan, at nasasaktan pero di natin alam kung anong dahilan. Pano kung ang...