Chapter 15

11 1 2
                                    

Sa canteen kung saan pinuntahan namin ni Rica si Karl. Ibinagsak ko sa harapan ni Karl ang hawak kong libro, habang si Besty naman ay nakahawak sa arm ko.

"best, wag kang masyadong oa ha" bulong sakin ni Rica

Pero di ko pinansin ang mga sinabi niyang iyon, at nagstay ako sa kung ano ang nasa isip ko.

"Karl, ito tandaan mo, niisang beses mong palungkutin at paluhain ang bestpren ko, lagot ka sakin. Hindi lang yon! kelangan ka muna dumaan sakin! gets mo?"

"Dianne anong nakain mo?"

"Wala!" sungit kong sabi kay Karl

Nagstart na silang kumain, habang nakapatong ang dalawang siko ko sa table at ang chin ko ay nakapatong sa taas ng mga kamay ko. Pinapanuod ko lang silang

kumaen. At seryoso ako sa mga ginagawa ko.Alam kong mukha akong tanga, pero kung alam kong ito ang tama, ba't pa ko magdadalawang isip na hindi gawin?

"Babe, ang awkward, ano bang nakain ni Dianne?" bulong ni Karl kay Rica pero focus at nakatingin lang ako sa kanila.

"Sinabi ko kase na tayo na" Bulong ni Rica kay Karl

"Eh ba't ganyan siya?"

"Sa totoo kase, tutol siya"

"Hep!Karl! wala ng tubig si Rica! kunan mo siya ng tubig at baka mabulunan siya! Bilis!"

"yes ma'am!" tumakbo agad si Karl kasama ang baso ni Rica, at sabay tawa ko

"Best, wag mo naman siyang pahirapan"

Pero di ako sumagot kay besty at seryoso parin ang mukha ko. Bumalik na si Karl habang dala ang tubig. Tahimik sila at halos di umiimik hanggang sa makatapos

na silang kumain.

"Karl, punasan mo ang bunganga ni Rica" sabay sunod ni Karl.

 Masasabi kong robot ko ngayun si Karl at ako ang controller niya, buwaaahahaha!

"Karl saglit lang ha."

Hinatak ako ni Rica sa inuupuan ko habang umupo naman sa upuan ko ang parating na si Mike. Dinala ako ni Rica kung saan malayo si Karl, at sa mukha niya, mukhang nasesense ko na ang mga sasabihin niya.

"Dianne, di lahat ng bagay na ipapagawa mo kay Karl ay tama."

"Pero un ung napapanuod ko sa animes at movies"

"Dianne, no one can control love, eh pano kung naninibago palang kami? pipilitin mong punasan niya yung bibig ko? pls, ako na maghahandle ok?"

"Sige na nga"

Bumalik na kami sa table at napaisip ako sa mga sinabi ni Rica. Ano nga ba ang alam ko sa romance at love? kung ako mismo di ko pa nararamdaman, this is not right. Kelan ba darating si Mr, Right?

Paupo na sana ako pero nakita kong inagawan ako ni Mike ng upuan, nahiya ako at sa tabi nalang ako ni Rica umupo pero pinatabi niya ko kay Mike dahil ang awkward raw. Anung awkward dun? dahil ba andiyan si Karl? fine. Pumunta ako sa tabi ni Mike at naalala ko ung utang ko sakanya. Inabot ko ang isang daan sakanya.

"Mike, ito nalang muna bayad ko, savings ko kase nasa bahay"

Tumingin ako kanila Rica at nag-uusap sila sabay naisip ko na baka nauuhaw na si Besty kakadaldal.

Notice Me: I'm Sorry, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon