Time for school. Pinagdarasal na sana, ok na kami ni Mike,at sana di na siya ulet bumalik sa ugali niya. Di ko kase sya maintindihan. Basta ang alam ko, naging
masaya ako nung isang gabi na nagdinner siya sa bahay.
Pumasok ako sa classroom,nakikita ko ang mga kaklase ko na nakaupo sa table,nakaupo sa chair na parang presidente at mga boys and girls na nagchichismisan
kung saang bahagi ng classroom.
Pumasok ako, na para bang wala akong pakealam sa kanilang lahat. Nginitian ko sila at binati ng "Hi, Goodmorning". Oo as in lahat ng madadaanan kong classmate,
hanggang kay Bea na katabi ko sa upuan ay naggreet parin ako. Lahat sila tumahimik nung ginreet ko sila. Sinungitan lang nila ako ng mata, pero nakangiti parin
ako.
So what kung ayaw nilang ginigreet sila? tsk. ang aarte lang?"Dianne, anong nakaen mo?"
"Ah eh, wala"
Sa totoo lang, oatmeal, saging and milk lang naman ang kinaen ko. Pero di ko alam kung ba't parang excited ako na pumasok or why am i so energetic.
Tumingin ako kay Mike na medyo may pag-aalinlangan dahil sa alam kong, iisnoobin niya lang ako. Tinignan ko siya, pero tulala nanaman siya. Ano ba siya? Man
in Heaven?
Napangek nalang tuloy ang nguso ko, kakasmile sa kanya, pero , di parin siya nalingon. I decided to turn my head away sakanya, but when i was going to, biglang
may tumawag sakin.
"Hi Dianne, andito ka na pala, di kita napansin"
Napaisip agad ako, kelan niya ba ko napansing pumasok? halos lahat nga ng tao, iniisnoob niya. Lalo na ang mga babaeng umaaligid sakanya. Pano niya ko
mapapansin kung palagi siyang tulala? ano ba siya? emo? Pero lumingon nalang muli ako sakanya, tinitigan ko lang siya at nginitian, di ko alam kung ba't nung
mga oras na iyon, parang siya lang ung nakikita ko. Nagtitigan lang kami nung mga oras na iyon, habang tumatagal ang titigan namin, pahina ng pahina ang mga
boses na nasa paligid namin.
"Dianne, ayos ka lang?"
Tanong niya sa aken, pero wala akong naisagot, parang nakastapler ung bunganga ko, at mga mata kong tila nakamagnet sa mga mata niya. Lumakas nalang muli
ang katahimikan na nagaganap sa akin ng bigla akong kalabitin ni Bea ang balikat ko.
"Dianne, kinakausap ka ni Mike"
Bulong nito sa akin, para bang bigla nalang akong nagising sa isang panaginip. Di ko akalaing si Mike na parating mainitin ang ulo sa akin ay siyang unang kikibo
sa aming dalawa. Ibinaling ko nalang ulet ang ulo ko sakanya at nginitian ulit ito, at sa di inaasahan, nginitian niya rin ako. Maya-maya lang ay dumating na ang
teacher namin at nagstart na ang klase.
-
"babe""huh?"
Di na ko nagulat sa pagtawag sa aking babe ni Karl, dahil kahit di pa naman kami ay tinatawag niya na ko nun, kaya ayos lang. Oo, kami na nga. ang saya ko , dahil
sa wakas, di nalang ako hanggang sa paghanga. Kinausap ako ni Karl, para sabihin na muana naraw akong mauwi dahil may practice paraw sila mamayang uwian.
BINABASA MO ANG
Notice Me: I'm Sorry, I Love You
Teen FictionINTRODUCTION: Naranasan mo na bang magmahal at masaktan? it's a very common question. Of course lahat tayo ay nagmamahal,di lang natin alam kung kelan, at nasasaktan pero di natin alam kung anong dahilan. Pano kung ang...