Chapter 9

16 2 1
                                    

Mike's POV

Alam mo Andrea, kung nandito ka lang, sobrang saya ko siguro, una sa lahat, isa na kong sikat na varsity player sa school, siyempre, matino na ko ngayun noh, di

na ko tumitingin sa ibang babae, dahil hanggang ngayon, ikaw parin ung nasa puso ko. Haha corny ko noh? alam mo kung sinabi mo lang sakin noon kung ano

talaga yung kalagayan mo, eh di sana hanggang sa huling segundo, nayakap pa kita, anung klaseng boyfriend ako, wala ako sa tabi mo nung. Haha change topic

na nga, napapaiyak ako sa pinag-uusapan natin eh. Alam mo, ayos rin tong kinahihigaan ko noh? ang lambot ng grass haha, feeling ko, katabi kita sa kama ngayon

at iniisip kung ano ung future natin. Miss na miss na kita.Alam mo, may isang babaeng sobrang kulit niya! parang ikaw haha, pero siyempre, iba naman un,

mahal kita eh. Alam mo, simple lang siya,pero palaban din. Siguro magkakasundo kayo ngayon kung makikilala mo siya, dahil parati siyang pinag-iinitan sa

school, at alam kong ayaw mong may ginaganun ung grupo mo diba? ikaw pa nga tong mismong kumakaibigan sa mga naaapi ng grupo niyo.

Ayoko ng umalis sa tabi mo Andrea, mas nakakapag-isip ako dito.

--------------

"Andrea!"

(Breathing)

"Anak? anung nangyari?!"

"Ma,napanaginipan ko siya, wala akong nagawa,wala akong nagawa ma" sabi ko habang umiiyak.

"Di mo kasalanan anak, kung nasan man siya ngayon, binabantayan ka niya at di ka niya iiwan"

Di ako tumigil kakaiyak, halos tuwing gabi, napapanaginipan ko ang masasayang araw namin ni Andrea, halos gabi-gabi rin napapanaginipan ko kung ano ang

posibleng itsura niya habang sinusubukan siya irevive. Ano bang nagawa kong mali? Araw-araw, umiiyak ako, lalo na kapag nakikita ko sa iba ang ginagawa namin

dati,hindi ko maimagine na wala na siya sa tabi ko. Pupunta sa school mag-isa, uuwi mag-isa,kakain mag-isa, at gagala mag-isa. Kung di ko lang siguro pinili na di

siya samahan umuwi dahil lang sa practice, siguro kasama ko siya ngayon at di ako magkakaganito. Palagi kong sinisisi ang sarili ko, sa lahat ng pagpapabayang

ginawa ko, pero di na maibabalik.

Di ko kayang itapon lahat ng pinagsamahan namin ni Andrea, hanggang ngayon, siya parin ang nasa isip at puso ko, di ko kayang bitawan siya.

(Sa school)

"Ouch!"

"Ikaw may kasalanan, alam mo bang bawal tumakbo dito?"

"Best!"

"Aray! di ako makatayo!"

Ba't ko siya bubuhatin? wala akong pake sakanya, ni hindi ko siya kaano-ano.

Nagsesecond thought ako kung tutulungan ko siya o lalagpasan. Hanggang sa pagbulat ng mata ko,biglang si Andrea ang nakita ko, sumisigaw siya, habang ako

nakatayo lang, pinapanuod siya. Napabulat ako, agad kong binuhat ang babaeng alam kong hindi siya, at ipinasok sa clinic. Pagkababa ko sakanya ay napatingin

ako , at namimilik mata lang pala ako.

"Thanks bro"

"Sige"

Notice Me: I'm Sorry, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon