Chapter 14

9 1 2
                                    

Alam kong naiinis si Rica dahil napauwi kami ng wala sa oras dahil gusto ko, ako sana ang magsabi sakanya. Pinatawagan ko na ang driver ni Rica para bumalik na

sa bahay niya. At dun na siya  nagpaputok ng bunganga niya...

"Ano ba yun Dianne?!"

Sinabi ko kay Rica na si Mike ang nagbayad sa mga kinain ko na nagkakahalaga ng P3000+, nagulat siya at obviously,nagsermon.

"eh di ko naman alam na maghihiwalay tayo, eh nakalimutan ko ung wallet ko"

"Di naman natin kelangan umuwi, eh di sana, sinabi mo kanina para ako nalang nagbayad kay Mike"

Sa sobrang hiya ko, napayuko nalang ako, dahil alam kong iyon ang sasabihin niya, para nanaman akong isang dilis na nagtago sa likod niya. Wala na kong

nagawang tama.

"Sorry besty"

*Rica Sigh*

"Alam mo namang kahit anong mangyari, di kita iiwan di ba?"

"May Karl ka na eh"

"Dianne, di habang buhay, tayo lang ang magkasama, gusto ko rin namang may makasama na magpaparamdam sakin ng love"

"Di pa ba sapat sayo ung love na binibigay ko as bff mo?"

"Dianne, ibang love naman iyon"

"hayy sige na nga"

Nginitian ako ni besty at niyakap.

"Btw may sasabihin ako sayo, pero wag ka sanang magugulat"

"Sige ano yun?"

"Kami ni Karl girl! "

"What?!"

Nagulat ako sa sinabi ni Rica, ilang weeks palang kaming magkakasama at naging sila na agad ng Karl? nag-iisip pa ba siya? yung totoo, siguradong nabulag lang

siya at napasabay ang sarili sa alon ng pagkakacrush niya kay Karl. Tumutol ako, pero wala akong magawa dahil iyong ang gusto niya, siguro nga ganun talaga

pagnagmahal ka, kahit alam mong di pa kayo nagtatagal,basta't may nararamdaman kayo, mag-iibigan at mag-iibigan parin kayo. actually di ako magaling sa mga

bagay pagdating sa romance and love dahil di ko pasion yun, sa anime at kung saan-saan ko lang nakikita iyon pero di ko pa talaga nararanasan ang mainlove, ni

hindi ko nga alam kung anong pakiramdam eh.

"Hayy, best, alam ko na ang ginagawa ko. matagal na tayong magkasama, don't tell me na iiwan mo ko dahil lang sa tutol ka. Pls best, for mee, kilalanin mo muna si Karl, sobrang bait niya"

"At sobra rin siyang babaero" sagot ko. Bakit totoo naman ah, halata naman nung una palang silang magkakilala.

"Pero pls best, malay natin magbago siya"

Bigla akong napaisip sa pinag-usapan namin ni Leslie nung isang araw, at napaisip ako, na siguro nga alam ni Rica ang ginagawa niya, pero di parin ako sang-ayon,

kung totoo si Karl sakanya at kung gusto ni Rica na sumang-ayon ako sa gusto niya, kelangan munang makasigurado ako na di niya sasaktan ang bestfriend ko.

"Pero sa isang kondisyon,liligawan muna ako ni Karl"

"What?!"

"wag kang mag-aalala, di ko siya aagawin, papahirapan ko lang siya, sabihin mo na ako muna ang ligawan and that's final!"

Walang ng nagawa si besty at napaoo nalang.Halatang naiinis siya pero i guess ito ang alam kong tama at para ako naman ngayon ang maging protection ng

bestfriend ko, di ko hahayaang masira ng isang babaero at pacute na lalaki ang kinabukasan ni besty. I'm ready, manda ka saking Karl ka.

------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Hahaha pasensya na po maiksi ulet xD :)) thanks for reading po! Please leave a comment and vote. Thanks for reading po! :)

Notice Me: I'm Sorry, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon