Chapter 19

8 0 0
                                    

Umalis na ko mula sa pagkakayap sakin ni Mike at tinulungan sila Karl at Rica sa pag-aayos ng mga pagkaen. Di ko maibaling na tumingin pa kay Mike. Di ko alam kung ba't napapangiti ako habang nag-aayos ng mga pagkain. Naalala ko na di ko pala nakain ung baon ko para ibigay kay Mike bilang pagpapasalamat sa pagligtas niya sa akin. Kinuha ko agad ang baon ko sa bag at pumunta sa kanya, pero napatalikod ako at bumalik nalang.

"Para sakin yan?"Tanung niya

"Ha? hindi, baon ko to eh, di ko lang nakain"

"Akin nalang,marami namang pagkain diyan eh"

"Pero baka panis na, kanina pa tong umaga"

"Eh ano naman? di ba sabi nga nila, maswerte tayo dahil meron tayong makakain"

Wala na kong nagawa kundi ibigay sakanya ang tapperware na may lamang pansit at cake na galing sa handaan nung isang araw. Iniabot ko sakanya ang baon ko.

"Pwede mo ba kong subuan? masakit pa ung katawan ko"

"Ha?!" gulat kong sabi, mukhang namimihasa to ah!, kinuha na nga ung virginity ng lips ko tas niyakap pa ko, tas ngaun gagawin pa kong alalay?! anung trip neto.

Pero napaisip ako saglit. Kundi naman kase dahil sakin, eh hindi siya magkakaganyan at hindi ko na siya kelangan pang subuan. Ang tanga ko talaga forever.

Sinusubuan ko si Mike. Nagsusubuan din sila Rica at Karl. Nakakahiya na tong ginagawa namin ni Mike. Nakita ko nalang na pinunasan ni Rica ung labi ni Karl na merong pagkaen, tumingin ako kay Mike, di ko alam kung ba't pinunasan ko ung bibig niya na may cream ng cake. Habang pinupunasan ko ito ay nararamdaman kong nakatingin si Mike pero di ko nalang pinansin. Inisip ko nalang na kelangan kong alagaan si Mike dahil niligtas niya ang buhay ko. Alam kong di ako makuntento na inaalagaan ang isang lalaking di ko naman kaano-ano, pero siya parin ang nagligtas sa akin.

Di ko alam pero parang ginagaya ko ang ginagawa ni Rica kay Karl. Masyado na ata akong napapadala sa feelings ko. Nag-isip nalang ako ng palusot para medyo makadistansya kay Mike.

"Kakain lang ako"

"Sige"

Sa wakas nakalayo din ako sakanya. Lumabas ako ng kwarto pansamantala para habulin ang hininga kong kanina pang pinipigil sa mga nangyayare.

Pumasok na ulit ako sa kwarto at kumuha na ng pagkain. Maya-maya lang ang gumagabi na, dumating narin ang doctor para sabihing makakalabas na si Mike pagkatapos ng dalawang araw tutal mabilis naman raw ang recovery niya sa kadahilanang pageexersisyo at pagkain ng mga masusustansiyang pagkain.Pero dahil malapit na ang game nila sa basketball ay hindi siya pinayagang sumali sa practice dahil hindi pa masyadong gumagaling ang katawan niya at kapag sumama siya sa practice, baka mas lumala paraw ang pilay niya. Kung maaari raw, di raw pwedeng sumali si Mike sa game nila habang di pa gumagaling ang pilay niya.

Natuwa naman kami sa sinabi ng doctor na mabilis ang recovery ni Mike pero napawi ang mga ngiti namin sa mukha dahil sa di siya pwedeng magpractice at kung di pa siya gumaling agad, di daw siya makakasali sa laro.

Dahil gumagabi na ay nagpaalam na kami kay Mike. Una ng lumabas sila Rica at Karl. Palabas na sana ako ng pinto ng biglang magsalita si Mike. Pinalapit niya ko sakanya.

"Pumunta ka sa laro namin ha?"

"Ha?! di ka pwedeng maglaro"

"Gagaling ako basta pumunta ka"

"Pwede ba? magpagaling ka muna"

sabi ko sakanya at tumalikod na. Naiinis ako dahil sa halata naman kung ano ang pilit niyang gustong gawin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Notice Me: I'm Sorry, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon