Unang Kabanata

1.4K 53 6
                                    

"Do you believe in reincarnation?"

Nasa kalagitnaan kami ng klase when Sir Denver asked that question. Actually, nacucurious din ako about reincarnation. If it's really true, then I want to know who am I and what kind of life I'm living before.

"Ms. Sarmiento? Mukhang malalim ang iniisip mo, would you mind to answer my question?"

Napatigil ang paglipad ng utak ko nang bigla akong tawagin ni sir. Dahan dahan akong tumayo while thinking of what should I answer. Of course, favorite ko ang history subject and never akong nablanko pagdating sa recitations, but reincarnation? This word really confuses me.

"I think it's probably a yes sir, since there are events in the history that happened mysteriously. There are times people who identically look like each other were born and died on the same date but on different timelines. And I believe it is not pure coincidence", I explained.

"Besides that, we have what we call de javú, you envisioned something that happened before kahit na hindi mo na-experience 'yon. There are people who proclaim they even remember where and why they died", dagdag ko pa. Sabi nila 'yung mga birthmarks daw ay 'yung scars na nakuha natin from the wounds we acquired when we died.

"Kung ganoon, ano kaya sa tingin mo ang pagkatao mo noon Ms. Sarmiento?"

Hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong kinilabutan sa titig ni Prof. Nanahimik ang buong paligid, they're waiting for my answer. Sino kaya ako noon? Ano kaya ang pagkatao ko?

"Nice one sis! Alam mo, hindi ko talaga alam kung magbestfriend ba tayo o ano. Matalino ka, bobo ako. Tahimik ka, maingay ako. O diba? Mapapatunayan talaga natin ang mga katagang opposites do attract." Nasa canteen kami ni Kenshee ngayon habang walang tigil ang bunganga niya sa pagkukwento.

"Alam mo Kensh, wala namang taong bobo." Sabi ko sakanya sabay kagat sa cheeseburger ko. Ngumiti naman siya ng matamis ngunit nabawi rin yon pagkasabi ko ng..

"Ikaw lang." natawa nalang ako sa pagbabago bigla ng reaction niya.

"Alam mo Amanda, dapat hindi mo na ipinapamukha sa akin yang bagay na 'yan. Marami nang nakakaalam niyan noh." sabi niya sa akin habang natatawa-tawa rin.

"But seriously, wag na wag mo akong kakalimutan sis kung sakaling maging successful ka sa future. Baka mamaya makita ko nalang sa tv yung pangalan mo, 'Amanda Nicole R. Sarmiento, C.E.O' ".

Minsan naloloka na rin ako sa kahibangan nitong bestfriend ko. Masyado niyang dinodown ang sarili niya. Lagi niyang sinasabi sa akin mula highschool palang na hindi raw niya kaya, babagsak daw siya. Pero tignan mo naman, 3rd year college na kami and 1 year to go nalang.

Binalak kong magpunta muna sa rooftop. Doon lang ako nakakahinga ng maayos. Minsan iniisip ko, nakakapagod din mabuhay. Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko na naman ang isang malaking painting na nakasabit sa dingding. Hindi ko alam kung anong trip ng may-ari nitong school at isang makalumang painting ng babae na nasa edad 20's ang ibinandera dito. Dalawang taon ko nang nakikita tong painting na toh at hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko siya ay kinikilabutan ako. Natawa na lang ako at linagpasan ang painting na iyon.

Nang umakyat ako sa rooftop, sumalubong sa akin ang napakalakas na hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Pumikit ako at saka nilanghap ang sariwang hanging sumasalubong sa akin. Dito ko lang naisisigaw ang lahat ng problema ko. Tumunog ang cellphone ko kaya naman napadilat ako bigla.

From mama:

Anak, wala na kami ng papa mo, sumama na siya sa kabit niya. Ano nang gagawin ko anak? Hindi ko kayang mawala ang papa mo.

Fuck this shit. Wala nang ibang ginawa si papa kundi mambabae at paiyakin nang paiyakin si mama. It sucks. Lagi nalang umiiyak si mama gabi gabi. Minsan umuuwi nga si papa, pero parang wala lang, walang bago. Nagmadali agad akong umuwi. Ayokong madepress si mama. Kailangan niya ng kasama at iintindi sa mga problema niya.

Nag-aalinlangan pa akong sumakay sa dumating na bus dahil sa hitsura ng driver. Para na itong antok na antok at wala sa katinuan. Kaso naisip ko, mahirap nang makasakay ngayon dahil siguradong punuan at tayuan na sa mga susunod na bus. Sumakay na ako at umupo sa pinakaunahan. Kinakabahan talaga ako. Nakakatakot kasi kanina pa pagewang gewang tong bus. Nararamdaman ko nang may mangyayari pero isinawalang bahala ko parin iyon.

Nanlaki ang mata ko sa paparating na truck. Nagkakagulo at nagsisigawan na sa loob ng bus kaya naman mas lalong gumewang gewang ang bus na sinasakyan namin. Hindi ko alam kung anong klaseng takot ang nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam, ang matakot sa kamatayan.

To mama:
I love you ma

Ito na ang huling masasabi ko kay mama. Sana sinabi ko na noon pa man yung mga gusto kong sabihin sa mga taong mahal ko. Hindi ko alam na magiging ganito ang kamatayan ko. Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos. Malapit na ang truck sa kinaroroonan namin at preno na ito nang preno. I closed my eyes, waiting for my last breath.

Napakabilis ng mga pangyayari, bumangga sa amin ang truck. Madaming tumilapon, at isa na ako doon. Nakikita ko ang lahat kahit 'di ko na maigalaw ang katawan ko. I laid there with my eyes widely open. Until I felt something flowing. Before I blacked out, I realized I was bathing on my own.. blood.

Third person's P.O.V

Naisugod sa hospital si Amanda ngunit na-comatose ito. Nagkasalubong sa ospital ang kanyang mama at papa.

"I'm sorry baby, I'm sorry" tugon ni Manuel, ang kanyang papa, habang patuloy na umiiyak at hawak ang kamay ni Amanda.

"Kung hindi lang ako nagloko, kung inalagaan ko lang kayo ng mama mo hindi sana mangyayari ito.", sabay titig kay Alisa.

"Tigilan mo ako Manuel, ito pala ang hinihintay mo! Hihintayin mo pang may mangyaring masama sa anak mo bago mo pagsisihan ang mga kasalanan mo", nanghihinang tugon ni Alisa sa asawa niya.

Parehas silang umiiyak at naghihinagpis sa sinapit ng anak. Hanggang sa pag-uwi ay hindi sila nag-iimikan. Pinili ni Manuel na umuwi sa kanilang bahay, noong una ayaw pang pumayag ni Alisa ngunit wala na itong lakas para makipagtalo. Ang tanging pinanghahawakan lamang nila ay ang pag-asang gigising pa ang kanilang anak mula sa coma.

Sa kabilang banda, nag-uusap naman ang dalawang nurse na kasalukuyang naka-assign kay Amanda.

"Sabi nila, kapag comatose ang isang tao, maaalala niya ang nakaraang buhay niya." sambit ni Marie habang inaayos ang pagkakahiga ni Amanda.

"Posible ba yun?" nag-aalinlangang tanong naman ni Pat.

"Oo naman! Yun ang sabi ng lola ko. Makikita niya ang buhay niya sa nakaraan ngunit kung sakaling magigising siya ay wala na siyang maaalala."

Bago lumabas ay muling sinilip ni Marie si Amanda. 'Nawa'y maging mapayapa ang paglalakbay mo sa iyong nakaraan. Makabalik ka sana nang walang pag-aalinlangan.'

Itutuloy...


NOTE:

Nais ko pong ipaalam na ang mga susunod pang kabanata ay nasa third person P.O.V na. tunghayan niyo po sana ang mga susunod pang pangyayari, maraming salamat po!

Flashed from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon