Panlimang Kabanata

518 30 0
                                    

"Wala ata kayong balak tumayo riyan!", panunukso at tawa ni Teodor kina Diego at Clara na magkapatong parin sa sahig.

Nag-aapoy naman sa inis si Gloria sa kaniyang isipan at hindi makapaniwalang nakuha ng binibining si Clara ang unang halik ng kaniyang sinisinta.

Natauhan si Diego at biglaang tumayo na para bang walang nangyari. Iniabot niya ang kamay sa dalaga upang tulungan sana ito ngunit hindi ito tinanggap ni Clara at kusang tumayo.

Napansin niya ang iilang sugat sa tuhod at braso ng binibini kaya naman ay agad siyang humingi ng paumanhin.

"B-binibini, halika at g-gagamutin ko ang mga sugat mo sa loob", anyaya ni Diego.

Kinabahan si Selya sa mga nasaksihan kanina lalong-lalo na ang paglapat ng labi nilang dalawa. Tiyak na hindi na sila makakabalik pa rito sa oras na makarating kay Donya Leonora ang pangyayaring iyon. At tiyaka isa pa, itinakda nang ikasal si Binibining Clara kay Ginoong Leo kaya kapag nabulgar ito ay tiyak na malaking gulo.

"A-ah ako na! Ako na ang gagamot sa binibini", singit ni Selya kay Diego sabay hila sa dalaga.

"Napakaliit lang naman ng kaniyang mga sugat", bulong ni Gloria ngunit sapat parin upang marinig nila. Sinamaan naman siya ng tingin ni Selya.

"Eh kung ikaw kaya ang madaganan ng isang binatang nanggaling pa sa itaas ng puno?!", hirit ni Selya kay Gloria. Inirapan na lamang siya nito.

"A-ako na ang gagamot sa aking sarili, kaya ko naman", agad na nagsalita si Clara upang hindi na magtalo pa ang dalawa.

Aalis na sana sila ni Selya nang bigla muling magsalita si Diego na nasa kanilang likuran.

"U-uhm b-binibini, patawad ulit, h-hindi ko sinasadya", nahihiya-hiyang saad ni Diego sa kaniya.

"W-wala iyon. S-sabi ko naman kasi sayo, limang mangga lang eh", saad naman ng binibini at muling tumalikod upang maitago ang pamumula ng kaniyang mukha.

Nang makaalis sina Clara at Selya ay muling tinukso ni Teodor ang kapatid.

"Mukhang may ilangang magaganap sa pagitan ninyo ng binibini!", tatawa-tawang tukso ni Teodor. Hinampas na lamang siya ni Diego sa tiyan at iniwan na sila doon ni Gloria.

Nang sila na lamang dalawa ang naroon sa may tapat ng puno ng mangga ay agad na kinilatis ni Teodor ang hitsura ng dalaga.

"Masakit ba?", nakangisi nitong tanong sa kaniya.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Gloria at akmang aalis na nang muling magsalita ang binata.

"Hindi kailanman titibok ang kaniyang puso para sa iyo", saad niya pa sa dalaga dahilan upang nakakunot itong mapalingon sa kaniya.

Mula sa nakakunot na mukha ay dahan-dahang siyang napangisi. Unti-unting lumapit si Gloria kay Teodor at saka ito binulungan.

"Ganoon rin naman ako Teodor", lalo pa itong lumapit sa binata na may munting ngisi sa labi, "Hindi kailanman titibok ang aking puso para sa iyo"

Naiwang mag-isa doon si Teodor at natawa na lamang sa sarili.

"Woo! Sakit non ah!", muli ay natatawa niyang sigaw.

Kinahapunan ay nasa labas sila ng kubo at nagkukwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay.

Magkaharap lamang na nakaupo sina Clara at Diego kaya naman sa tuwing magtatama ang kanilang paningin ay agad-agad na iiwas at babaling sa ibang direksyon. Napansin naman ito ni Aling Tasing kaya naman ay agad siyang nag-usisa.

"Binibini? Nagkaroon nanaman ba kayo ng alitan nitong apo kong si Diego?", tanong nito dahilan upang mapatigil ang mga nakasaksing sina Selya, Teodor at Gloria sa pangyayari kanina.

Flashed from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon