Kabanata Labing-isa

280 17 8
                                    

"Ate Maria!", tila sabik na sigaw ni Diego nang sumalubong sa kaniya ang kapatid. Niyakap niya ito ng napakahigpit na agad rin namang sinuklian ni Maria.

"Diyos ko, hindi mo lang alam kung gaano ako nagagalak makita ka Diego", sabik niyang saad dito.

Sila ay naupo muna sa isang mahabang silya upang makapagkuwentuhan.

"Kamusta na nga pala si inang?", tanong ni Maria dahilan upang unti-unting magbago ang reaksyon ng binata. Kung kanina ay masaya, siya naman ngayon ay tila nakatungo na para bang kay bigat ng kaniyang dinadala.

Napansin ito ni Maria kaya naman ay muli niyang niyakap ang kapatid, "Huwag kang mag-alala, sigurado akong maiintindihan ka rin ni inang"

Iniangat ni Diego ang kaniyang ulo at hindi na napigilan pa ang pagtulo ng kaniyang mga luha.

"Ate Maria, noong ikaw ang makakapagtrabaho sa siyudad ay tila ba napakasaya ni inang. Halos ika'y ipagtulakan pa niya papalayo sa kalesa. Bakit sa akin ay parang wala siyang tiwala?", malungkot na pahayag nito, "Tila ba napakalaking bagay ng aking pagpunta rito sa siyudad"

Napabuntong hininga na lamang si Maria at tiyaka tinapik-tapik ang balikat ng kapatid, "Iba naman kasi ang akin Diego, kakilala ni inang ang pamilya Reyes kung kaya't natitiyak niyang ligtas at hindi ako mapapahamak"

Umayos ng upo si Maria at tiyaka tumingala upang mapagmasdan ang mga nagniningningang bituin sa langit. Madaling araw pa lang kasi at sila lamang dalawa ang nakaupo sa mahabang silya sa gilid ng napakatahimik na kalsada. Napatingala rin si Diego at bigla na lamang napangiti sa kaniyang nasisilayan.

"Ngunit sa tingin ko ay hindi naman na kailangan pa ni inang ang mag-alala dahil natitiyak kong ikaw ay hawak ng isang butihing kamay", matamis na ngiti ang ipinamalas ni Maria dahilan para bahagya ring mapangiti si Diego.

"Oo nga pala, alam mo ba? Napakabait ni Binibining Clara, hindi siya ang tipo ng dalagang iniisip mo noong nasa Amadeo tayo", nakangiting saad ni Maria kaya naman ay unti-unting naglaho ang ngiti sa labi ng kapatid.

Ang sabi ni Diego sa kaniyang sarili ay hinding-hindi na niya kailanman iisipin ang binibini oras na makatuntong siya rito. Ngunit ngayon, sa sinabi ng kapatid ay tila ba namuo ang kuryosidad kung kamusta na nga ba ang binibining iyon.

"Napakasaya ko at mayroon akong kaibigan na katulad niya", saad pa ni Maria kaya naman ay bahagyang napangiti si Diego.

"Masaya rin ako at muli ko siyang nakita", pahayag niya dahilan upang nagtatakang napalingon sa kaniya si Maria.

"Muli mo siyang nakita?", ulit nito sa sinabi ng kapatid, "Bakit? Nagkita na ba kayo ng binibini noon pa man?"

Tumawa ng bahagya si Diego, "Hindi, a-ang ibig kong sabihin ay muli ko siyang makikita ngayon", at tumawa pa siya muli.

Napakunot ang noo ni Maria sa sinabi ng kapatid, "At bakit ka masaya na makikita mo siyang muli?"

"A-ate Maria, ang ganda ng buwan oh! Kasing-hugis ng mukha ni Teodor", tinangkang ibahin ni Diego ang usapan at pinilit na lamang muli ni ang tumawa.

Dahil doon ay lalong kumunot ang noo ni Maria, "Diego, walang buwan", saad nito na tila ba nagpatawa pa lalo kay Diego.

"Meron! Tignan mo kasi!", pangungumbinsi pa niya at nang tumingala ang kapatid ay dali-daling siyang tumakbo papalayo rito, "Ate Maria! A-ano maghahanap lang ako ng, ng ano, ng banyo!", natataranta nitong saad habang tumatakbo.

"Diego! Baka maligaw ka!", nag-aalalang sigaw ni Maria pabalik kay Diego. Natawa na lamang siya sa kaniyang isip sa inaasta ng kapatid. 'Binata na ang aking kapatid', natatawang saad nito sa kaniyang isip habang umiiling-iling pa ngunit nawala rin iyon nang siya'y may mapagtanto bigla. Ngayon ay seryoso siyang nakaupo habang nakatingala sa langit.

Flashed from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon