Kabanata Labing-anim

406 13 2
                                    

Iba't-ibang pamilyang nagmula sa mga mayayamang angkan ang patuloy na nagsisidatingan sa Hacienda Reyes. Samu't saring mga disenyo ang mga nakapalibot sa labas at maging sa loob ng mansiyon. Napupuno ng kulay asul ang paligid sapagkat iyon ang paborito at ninanais ng dalagang masilayan pagsapit ng kaniyang kaarawan.

"Ate Maria, hindi ba't napakaganda ko ngayon sa aking mamahaling baro't saya?", nakangiting pagmamayabang ni Selya sabay ikot pa sa harapan ng dalaga. Sila'y nasa loob pa lamang ngayon ng kanilang silid habang nag-aayos ng kanilang mga sarili. Kani-kanina lamang kasi nang ihatid sakanila ng isang pansamantalang tagapagsilbi ang dalawang mamahalin at napakagandang baro't saya. Iyon ay regalo sa kanila ni Clara at ayon sa tagapagsilbi ay nais niyang iyon rin ang isuot nila sa kaniyang selebrasyon. Tuwa nilang pinalitan ang mga lumang baro't sayang suot nila kanina.

Napailing-iling na lamang na tumingin si Maria kay Selya. Napatulala siya saglit at kaniyang aaminin na napakaganda nga nito ngayon ngunit hindi niya sasabihin iyon sa dalaga sapagkat mas lalo nanaman itong magmamayabang.

Umupo si Selya sa kaniyang tabi at pinagmasdan siya sa salamin, "Ate Maria, sa tingin mo ba'y isasayaw ako ni Teodor mamaya?"

Napatigil sa pagaayos ng kaniyang mukha si Maria at tiyaka humarap sa kaniya, "Selya, sigurado akong isasayaw ka ni Teodor huwag kang mag-alala", saad nito bago muling bumalik sa kaniyang ginagawa.

Nagliwanag ang mukha ni Selya sa kaniyang narinig, "T-Talaga? P-Paano ka nakakasiguro?"

Marahang tumawa si Maria, "Isasayaw ka niya kung ikaw ang magyayaya"

Nang dahil doon ay sinimangutan na lamang siya ni Selya, "Nakakainis ka ate Maria"

Tumayo na si Selya at akmang lalabas na ng kanilang silid nang pigilan ito ni Maria, "Saan ka pupunta?"

"Pupuntahan ko ang binibini sa kaniyang silid", nakasimangot na sagot ni Selya sabay labas sa pintuan.

"Teka sandali Selya hintayin mo ako! Sabay nating puntahan ang binibini!", sigaw nito ngunit parang walang narinig si Selya at tuluy-tuloy lamang iyon sa paglalakad. Natawa na lamang si Maria sa kaniyang inasal. Minadali na niyang inayos ang kaniyang sarili at tiyaka dali-daling sumunod sa silid ng binibini. Nang makapasok ay nagulat na lamang siya nang madatnang mahimbing pang natutulog si Clara mula sa kaniyang higaan. Nagkatinginan sila ni Selya at sabay na napasigaw, "BINIBINI!"

Sa lakas ng kanilang sigaw ay gulat na napabangon mula sa kaniyang higaan si Clara, "A-ANONG NANGYARI?!", taranta nitong tanong na tila lumilingon-lingon pa sa kaniyang paligid. Napatawa na lamang sina Maria at Selya at dali-daling hinila ang binibini paalis sa kamang hinihigaan.

"Binibini, magsisimula na ang iyong selebrasyon ngunit narito ka't mahimbing na natutulog?", sambit ni Maria dahilan para mapapikit ng mariin si Clara, "Nagpahinga lang naman ako, hindi ko namalayang ako'y nakatulog na pala"

Agad na siyang naglakad patungo sa banyo, "Hintayin niyo ako at maliligo lang ako, sabay-sabay tayong bumaba ah!", sigaw nito bago tuluyang pumasok sa loob.

Nang makapasok na ang binibini sa banyo ay agad na umupo si Selya sa kama nito, "Ate Maria, napakaganda talaga ng ating hitsura ngayon. Sa tingin ko tuloy, isa na akong mayamang dalaga"

Napameywang naman si Maria sa sinambit ng dalaga, "Baka naman hindi ka na magpalit ng damit niyan", tawa nito na tinawanan rin naman ni Selya.

"Pero seryoso nga kasi ate Maria, sa tingin mo ba'y isasayaw ako ni Teodor?", nakatitig ito sa mga mata ni Maria na tila ipinapahiwatig na naghihintay siya ng matinong sagot.

Napabuntong-hininga na lamang si Maria. Alam niyang hindi siya titigilan nito, "Ang sinagot ko kanina ay seryoso. Sa totoo lang, ayaw kong sabihin ito ngunit napakaganda mo ngayon Selya, kaya kung yayayain mo ang aking kapatid ay sigurado akong hindi ka niya matatanggihan. Ngunit ibahin mo ang usapan na siya ang magyayaya, dahil sa nakaraang ilangan ninyo ay sigurado akong mahihiya iyon"

Flashed from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon