Kabanata Labintatlo

296 12 3
                                    

"Nabalitaan kong dumating na ang iyong bagong kutsero kahapon, nakakasiguro ka na ba sa kaniya anak?", nanlalambing na tanong ni Donya Catalina sa kaniyang anak na si Leo nang makapasok sa silid nito.

Napaangat naman ng ulo si Leo mula sa kaniyang ginagawa at tiyaka bahagyang kinunutan ng noo ang donya, "Ina, hindi ba't sinabi kong nararapat kumatok ang sinumang nais pumasok sa aking silid?"

Tumawa lamang ang kaniyang ina at tiyaka inilapag ang tasa ng kape sa harapan niya, "Pasensiya na anak, akala ko kasi'y nararapat kumatok ang sinuman maliban sa akin", tatawa-tawa nitong saad, "Oh ano na nga, ayaw ko nang maulit muli ang nangyari sa iyo dahil sa kutserong iyon kaya naninigurado lamang ako"

Ipinagpatuloy na lamang muli ni Leo ang kaniyang pagpipinta, "Sa totoo ay hindi pa po ako masyadong sigurado sa kaniya, ina. Siya ay inirekomenda lamang ng isang mapagkakatiwalaang kaibigan ni Clara kaya naman ay sa tingin ko'y wala nang dapat pang ipag-alala", saad nito.

Matamis na ngumiti ang Donya sa kaniya dahilan upang muling mapakunot ng noo si Leo, "Sandali lamang ina, iyan lamang ba ang dahilan kung bakit ika'y nagtungo rito sa aking silid?", nagtatampo niyang tanong.

Marahang tumawa si Donya Catalina, "Ikaw talaga, ano ka ba anak, siyempre ay nais rin kitang kamustahin"

Umupo ito sa isang upuan sa kaniyang harapan at tiyaka bumuntong hininga.

"Eh, kamusta naman kayo ni Binibining Clara?", tanong nito dahilan para tuluyang mapatigil sa kaniyang ginagawa si Leo. Siya kasi ay nagpipinta ng larawan ng kakaibang ibong nakakulong sa isang hawla. Hindi pa man tapos ngunit kitang-kita ang kagustuhan ng ibong makalabas mula sa hawla na iyon.

"Ano ba ang iyong pinagkakaabalahan?", bahagyang sinilip ng donya ang larawan na agad rin namang itinago ni Leo.

"Ina, mayroon ka pa bang nais sabihin? Nais ko na po kasi sanang magpahinga", saad nito.

"Bakit anak? May sakit ka ba?", nag-aalalang tanong muli ng donya bago tumayo at hinipo ang noo ng anak.

Marahan namang umiling-iling si Leo, "Nais ko lang po munang matulog saglit, kaya kung wala na-"

"Sa totoo lang anak, pinag-uusapan na lang rin naman natin ang binibini", panimula ng donya dahilan para maudlot ang binata sa kaniyang pagsasalita.

Hindi na nakapaghintay pa si Leo marinig lamang na tungkol sa kaniyang sinisinta ang nais pag-usapan ng ina kaya naman ay agad na siyang nagsalita, "Ina, alam mo namang pag tungkol sa kaniya ay hindi na ako makapaghihintay pa. Maaari niyo na po bang diretsuhin ang inyong nais sabihin?"

Muli ay bahagyang tumawa si Donya Catalina, "O siya, nakapag-usap kaming dalawa ni Donya Leonora. Naisip naming gumawa na ng hakbang upang mas lalong maglapit ang loob ninyong dalawa ng binibini", kinikilig nitong sambit.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?Maaari bang agaran mo nang sabihin ina? Hindi ko maintindihan ang inyong nais iparating", nakakunot-noong tanong nito.

"Kami ay naghanda ng isang pagsasalo sa pagitan lamang ninyong dalawa ni Binibining Clara. Hindi kayo maaaring tumanggi sapagkat naihanda na ang lahat ng iyon, nais kong magtungo ka ngayon sa Hacienda Reyes upang maiparating ang balitang ito sa binibini", pahayag niya.

Sa balitang iyon ay agad na muling napakunot ng noo si Leo, "Bakit ngayon ko siya pupuntahan agad? Kailan ba magaganap ang pagsasalong iyon?"

"Bukas, alaskuwatro ng hapon", mabilisang sagot ni Donya Catalina, "Kaya kailangan ay maiparating mo sa kaniya agad ang magandang balita. Naku anak, ako ang nasasabik sa magaganap na pagsasalong iyon!", tila napapatili pang sambit niya.

Flashed from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon