"Napakaganda po pala ng mga bulaklak sa inyong hardin aling Tasing!" tila kumikislap ang mga mata ni Clara sa kaniyang nakikita.Napapalibutan kasi ng mga nag-gagandahang bulaklak ang bahay kubo nina aling Tasing. Kitang-kita rin ang pagkamangha sa mukha ni Selya. Para sa kaniya ay langit ang kaniyang nakikita.
"Ang apo kong si Maria ang nakaisip nito anak, nais kasi niyang maging masigla at makulay ang aming bakuran upang sa tuwing kami'y gigising ay ito agad ang aming masisilayan." paliwanag nito. "Mula kasi nang mamatay ang anak kong si Conchita ay nag-iba ang pang-araw araw na buhay nilang magkakapatid. Buti na lamang at bumabalik na ang dati nilang ugali."
Nagbalik muli sa isipan ni Aling Tasing ang pagkamatay ng anak na si Conchita, ang ina ng magkakapatid na sina Diego, Teodor, at Maria.
"Kung ganoon po aling Tasing, nasaan na nga po pala si Maria?" tanong ni Clara kay Aling Tasing. Napatingin rin si Selya sa matanda habang nagbabalat ng mangga.
"Hindi niyo pa nga pala siya nakikita ngayon, hayun at kasama niya ang kaniyang mga kapatid sa palayan" sagot ni Aling Tasing sa binibini.
Nagulat naman si Clara at biglaang napatingin sa palayan. Ngayon lamang niya napansin na may kasama palang dalaga sina Diego at Teodor doon.
"Sandali, kung ganoon po ay sina Diego at Teodor ang tinutukoy ninyong mga kapatid ni Maria?" tanong muli ni Clara.
"Oo anak, sila lang naman ang aking apo" tatawa-tawang sagot niya sa binibini.
"Hay, buti na lang" hindi na napigilan pa ni Selya ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. Pagkatanong kasi ni Clara kay Aling Tasing kung nasaan nga ba si Maria ay pinagdadasal niya na sana ay iyon ang babaeng kasama nina Teodor sa palayan. Kanina pa kasi siya hindi mapakali kung sino nga ba ang dalagang iyon at bakit tila napakasaya ni Teodor habang kausap siya.
Nagulat naman sina Clara at Aling Tasing sa binanggit ni Selya. Maging si Selya ay nagulat rin sa kaniyang sinabi kung kaya't nag-isip agad siya ng maaaring maging palusot.
"U-uhm, a-ang ibig ko po sabihin ay buti nalang at tapos na ang mga binabalatan kong mangga" pinilit nalang ni Selya na tumawa upang hindi siya gaanong mahalata. Natawa na lamang rin sina Clara at Aling Tasing sa inakalang maling pag-iisip.
"Inang!" tawag nina Diego, Teodor at Maria kay Aling Tasing habang tumatakbo palapit.
"Nakahuli po kami ng mga palakang bukid!", sabik na tugon ni Diego sa kaniyang inang habang hinahabol ang hininga.
Hindi maiwasan ni Clara na mandiri sa mga palakang nagtatalunan pa nang kaniyang nasilayan sa loob ng balde. Napansin naman ito ni Diego kaya't inilapit pa niya ang balde sa dalaga.
"Huwag kang mag-alala binibini, malinis ang mga ito" at pinakita niya pa sa binibini ang loob ng balde kaya naman nagkaroon ng tiyansa ang isang palakang makatalon sa binibini.
Napatili si Clara sa biglaang pagtalon ng palaka at nang mahawakan ay ihinagis niya agad ito kay Selya. Agad namang kinuha ni Diego ang palaka at ibinalik sa balde.
"Pasensiya binibini, hindi ko sinasadya iyon", paghingi ng paumanhin ni Diego.
Hindi naman napigilang mainis ni Clara sa sinambit ng binata. Ayaw na ayaw niya sa palaka kaya naman hanggang ngayon ay nandidiri pa rin siya sa iniwang bakas ng palaka sa kaniyang mga kamay.
"Pasensiya? Sa tingin ko ay sinadya mo talagang mangyari iyon. Gusto mong talunan ako ng mga nakakadiring palaka kaya naman ay inilapit mo pa sa akin ang balde!" pagsusungit niya sa binata.
"Anak, hindi naman iyon sinasadya ni Diego kung kaya't ako na ang humihingi ng tawad para sakanya", sambit ni Aling Tasing kay Clara.
Alam niyang mabilis magsungit ang dalaga sa mga ganitong bagay at lalong lalo na, alam niyang isa sa pinaka-ayaw ng binibini ay ang mga palaka, daga at ipis kaya't hindi na siya nagtaka kung bakit nainis ito sa nangyari ngayon.
BINABASA MO ANG
Flashed from the Past
Ficción históricaAmanda Nicole R. Sarmiento, 19, isang estudyanteng tahimik, matalino, at masyadong adik sa kaniyang history subject. Isang bagay ang nakakapagpagulo sa kaniyang isipan, iyon ay kung totoo nga ba ang mga haka-hakang ang mga tao'y nabuhay na noon pa m...