Nanatiling tulala sa kaniyang silid si Clara, tila hindi alam kung siya ba'y nananaginip lamang. Maya maya ay gumulung-gulong siya sa kaniyang kama, kinukurot ang sariling balat. 'Bakit parang hindi ko maramdaman? Ah, nananaginip nga ako! Baka bukas pa magaganap ang pagsasalo namin ni Leo. Panaginip lamang yung kanina', pangungumbinsi niya sa sarili.
Maya maya ay may kumatok at kaniyang narinig ang mahinang boses ni Selya sa labas ng pinto, "Binibini? Ikaw po ba'y gising pa?"
Nanlaki ang mga mata ni Clara, "Pati ba naman si Selya ay parte ng aking panaginip?"
"Kung kayo po'y gising pa, maaari po ba akong pumasok?", saad pa niya.
Napabuntong hininga na lamang si Clara at naisip na sumabay na lamang sa daloy ng kaniyang inaakalang panaginip.
"Pumasok ka na Selya", mahina ngunit siguradong rinig ng kaniyang kaibigan.
Dahan-dahang bumukas ang pinto at bumungad ang nag-aalalang mukha ng dalaga, "Binibini, kanina pa kita gustong makausap. Ayos ka lang po ba? Kanina kasing pag-uwi mo ay parang nawala ka na sa katinuan. May nangyari po ba sa naganap na pagsasalo ninyo ni Ginoong Leo? Napansin ko rin pong napakabilis ninyong nakauwi", tuluy-tuloy nitong pahayag dahilan para mapatingin sa kaniya si Clara. Napabangon pa iyon sa kaniyang kama at sinampal-sampal ang sarili.
Nagtaka at mas lalong nag-alala si Selya sa nangyayari sa binibini, "B-Binibini, ano pong nangyayari? Bakit niyo po sinasaktan ang iyong sarili?"
Maya-maya ay tumawa si Clara. Napakunot na lamang si Selya ng kaniyang noo, sa isip nito'y nasasaniban na ang dalaga kaya naman agad niyang kinuha ang rosaryo mula sa altar malapit sa kama nito. Inilapit at iniharap niya iyon sa dalaga, "Sa tingin ko'y nanggaling ka sa El Spasso! Kung sino ka mang masamang espiritu, lumisan ka sa katawan ng binibining ito!", ngunit mas lalo lamang tumawa si Clara.
"Ano ka ba Selya, hindi ako nasasaniban! Ano ba namang klaseng panaginip ito", tatawa-tawa niya pang saad dahilan para mas lalong kumunot ang noo ni Selya,
"P-Panaginip?""Oo! Ang galing hindi ba? Nasa loob ka ng aking panaginip! At alam mo ba kanina? Nakita ko si Diego! Siguro dahil na rin sa kagustuhan kong makita siya kaya ko siya nakita", nakangiti pa niyang saad.
Nabitawan naman ni Selya ang rosaryong kaniyang hawak at tiyaka gulat na napatitig sa binibini, "B-Binibini, hindi ka nananaginip"
Nawala ang ngiti sa labi ni Clara. Muli niyang kinurot ang sarili ngunit hindi talaga siya makaramdaman, "H-Hindi, bakit ganoon? Ah! Siguro'y parte ito ng aking panaginip! Yung sasabihin mong hindi ako nananaginip!", muli ay tumawa ito.
Napabuntong hininga na lamang si Selya at nilapitan siya. "Binibini, maniwala ka sa akin. Hindi ka talaga nananaginip"
Napasimangot naman si Clara, "Sampalin mo nga ako", utos nito na ikinagulat ni Selya.
"H-Hindi ko po maaaring gawin iyon, binibini", sagot naman niya.
Umalis ng kaniyang kama si Clara at nilapitan siya, "Ganito na lang, isipin mong mahalagang utos ito mula sa akin. Kailangan kong maniwalang hindi ako nananaginip"
Walang nagawa si Selya at mahinang sinampal ang binibini. Tumawa muli ng malakas si Clara, "O hindi ba? Sinasabi ko na nga ba't nananaginip ako! Wala akong naram-"
Hindi na niya naituloy pa ang kaniyang sinasabi nang walang anu-ano'y isang malakas na hampas mula sa kamay ni Selya ang dumapo sa kaniyang mukha. Napaupo pa siya sa lakas ng sampal na iyon. Napahawak siya sa kaliwang pisnging ngayo'y namumula.
"B-Binibini? Paumanhin po ngunit naisip ko pong kailangan ko pang lakasan upang kayo'y mahimasmasan", nakayukong saad nito. Tinulungan na rin niyang makatayo si Clara mula sa kaniyang pagkakaupo.
BINABASA MO ANG
Flashed from the Past
Fiction HistoriqueAmanda Nicole R. Sarmiento, 19, isang estudyanteng tahimik, matalino, at masyadong adik sa kaniyang history subject. Isang bagay ang nakakapagpagulo sa kaniyang isipan, iyon ay kung totoo nga ba ang mga haka-hakang ang mga tao'y nabuhay na noon pa m...