Kabanata Labing-apat

283 12 0
                                    

Sa pagsakay ng kaniyang senyor sa loob ng kalesa ay napansin ni Diego ang mumunting ngiti mula sa labi nito kaya naman sa kalagitnaan ng kanilang biyahe ay hindi niya napigilan ang mag-usisa.

"Hulaan ko senyor, isa sigurong binibini ang dahilan kung bakit tila kakaiba ang iyong ngiti kanina?", nanunuksong tanong nito.

Kunwari namang napaubo si Leo at sinamaan ng tingin ang kutsero kahit na nakatalikod ito.

Nang hindi sumagot ang senyor ay muling nagsalita si Diego, "Senyor, siguro ay hindi ka tipo ng binibining iyon ano?", saad pa niya sabay tawa ng mahina.

Nang dahil sa kaniyang sinabi ay kumunot ang noo ni Leo, "Maaari bang itikom mo ang iyong bibig?", inis niyang sambit.

Imbes na tumigil ay patuloy lamang siyang nagsalita, "Base sa inyong reaksyon senyor, mukhang tama ang aking sinabi", tatawa-tawa pa niyang saad na tila nang-aasar.

Agresibong bumuntong hininga si Leo, "Hindi ba't ikaw ay kapatid ni Maria? Ano nga ba ulit ang iyong ngalan?", tanong niya.

Matamis na ngumiti ang binata at lumingon sa kaniya, "Nakalimutan mo na agad ang aking ngalan senyor? Ang lakas pa naman ng aking boses noong ako'y nagpakilala sa unang pasok ko sa inyong mansiyon!", napatungo pa ito na kunwari ay nagtatampo.

Napapikit na lamang nang mariin si Leo sa inaasal ng kaniyang kutsero. Kanina kasing kinakausap niya ito ay hindi siya pinapansin ngunit ngayon naman ay bigla bigla na lamang iyon magtatatalak.

"Pero ayos lang iyon senyor! Diego nga po pala ulit ang aking ngalan!", masiglang pagpapakilala niya sa sarili.

"Diego? Kung hindi mo nais itikom ang iyong bibig ay siguro nais mong lumisan na sa iyong tungkulin?", pambabanta naman ng senyor.

Nang dahil doon ay agad na lamang sumeryoso si Diego sa paghampas sa kabayo. Ang hindi niya alam ay seryoso ring nakatitig sa kaniya mula sa kaniyang likuran si Leo.

"Paano mo nalamang hindi ako tipo ng binibining iyon?", biglaan niyang tanong. Nang sabihin kasi ni Diego na hindi siya tipo ng binibini ay nagtaka ito.

Mahinang natawa si Diego mula sa tanong ng kaniyang senyor ngunit sumeryoso siya bigla nang lingunin niya ito, tila nagdadalawang-isip kung itutuloy pa ba ang kaniyang balak na sabihin, "A-Ah, hula ko lang naman po senyor. Masyado po kayong malamig at m-masungit senyor o di naman kaya'y maloko?", saad niya at bahagyang natawa bago muling lumingon sa harapan.

Ang totoo ay nakarinig siya ng sigaw na "AAAAAAAAAA" mula sa isang babae ngunit mahina lamang ang kaniyang pagkakarinig sapagkat siya ay nasa pinakalabas ng Haciendang iyon. Kaya nga napalabas siya mula sa kalesa at hindi mapakali kung ano ang nangyari at kung bakit tila umabot hanggang sa pinakalabas ng Hacienda ang sigaw,  sumilip-silip pa siya kung maaaring pumasok ngunit hinarang lamang siya ng dalawang guwardiyang nagbabantay roon. Nagtaka na lamang siya nang lumabas ng Hacienda ang senyor na tila may nakakalokong ngiti at doon na siya nakarating sa kaniyang kakaibang hula.

Kumunot ang noo ni Leo sa kaniyang sinabi, "Ano ang iyong ibig sabihin sa salitang maloko? At kung hindi mo alam, hindi ko siya kailanman sinungitan"

"Baka iyon na nga senyor! Siguro po ay alam niyang masungit kayo sa iba pero pag sa kaniya ay nagbabago ang inyong ugali. Ang ibig ko pong sabihin ay baka gusto niyang ipakita mo kung ano ang iyong tunay na-"

"Sinasabi mo bang sungitan ko ang binibining iyon?", putol niya sa pagsasalita ng kutsero.

"Opo senyor! Matanong ko lang, sinusungitan ka po ba niya?", tanong pa niya.

"Lagi", maging si Leo ay bahagyang natawa sa kaniyang sagot.

"Kung ganoon senyor, sungitan mo rin siya! Hindi mo dapat hinahayaang tapak-tapakan ang iyong pagkalalaki", hindi na napigilan pa ni Leo ang pagtawa sa seryosong pagbibigay ng payo ng kaniyang kutsero.

Flashed from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon