Pang-apat na Kabanata

589 31 5
                                    

Hindi mapakali sa kaniyang higaan si Clara. Noong isang linggo pa nang sila'y magpunta kina Aling Tasing ngunit sariwa pa rin sa kaniyang ala-ala ang mga binitiwang salita ng binata.

"Pinapatawad na kita binibini, hindi naman ako seryoso kanina." paulit-ulit na nanunumbalik sa kaniyang isipan ang huling sinabi ng binata. 'Nagbibiro lamang siya?' sa isip niya sabay tawa at iling. Hindi kasi niya matanggap na biro lang pala iyon. Natamaan kasi siya sa sinabi nito at napatulala. 'Tsk, pinagtatawanan siguro nila ako ni Teodor noong mga sandaling iyon", sa isip niya muli at napapikit ng mariin sa inis.

Napadilat siya nang biglang maisip na may punto naman pala ang binata. Ang binibining katulad niya ay nakakakain ng mga masasarap na pagkain, nakakatulog sa malambot na kama, mayroong magaganda at mamahaling baro't saya, at isa pa nakukuha niya ang lahat ng gusto nang walang kahirap-hirap. Samantalang sila, kailangan pa nilang magtanim. Naalala rin niya kung gaano kasaya sina Diego at ang kaniyang mga kapatid sa di-karamihang palaka na kanilang nahuli.

Bigla siyang napabangon nang biglang makaisip ng ideya. Sa susunod na siya'y muling magpupunta kina Aling Tasing ay babalakin niyang mag-dala ng maraming pagkain na sapat at magtatagal sa kanila. Magpapaluto siya sa kaniyang ina ng adobo at nais niyang matikman ito ng pamilya ni Aling Tasing. Napangiti na lamang siya sa kaniyang naisip.

Kinabukasan, kasama ni Clara ang tagapagsilbing si Selya at ang kutserong si Mang Erwin sa palengke upang makapamili ng mga sangkap na kakailanganin ng kaniyang ina sa pagluto ng Adobo pati na rin ng mga pagkaing balak niyang dalhin kina Aling Tasing. Noong una ay ayaw pang pumayag ng kaniyang ina na siya'y sumama sa palengke ngunit sadyang mapilit ito sa dahilang gusto niya na siya ang mismong pipili ng mga pagkaing ibibigay kina Aling Tasing. Masyado kasi siyang nasasabik sa muling pagbalik nila sa Amadeo bukas ng umaga. Nagdadalawang-isip pa si Donya Leonora kung papayagan ang anak samantalang noong nakaraang linggo lang naman ito huling bumisita roon ngunit sa huli ay pumayag na rin ito.

"Selya doon tayo!", tila nasasabik na hinila ni Clara si Selya sa tindera ng manok. Si Selya na ang pumili ng mga sariwang manok sapagkat hindi naman marunong sa mga ganitong bagay ang binibining si Clara.

Umikot-ikot pa sila sa kung saan-saan, lahat na yata ng tindera at tindero na naroon ay nalapitan na nila.

"U-uhm, b-binibini sandali!", tila habol hiningang tawag ni Selya sa binibini. Siya kasi ang nagbibitbit ng mga pinamili at kanina pa sila paikot-ikot sa kung saan-saan. Nais pang puntahan ni Clara ang tinderong naroon sa dulo nang tawagin siya nito.

"M-masyado pong mabigat ang mga ito binibini, hintayin niyo po ako't akin muna itong ilalagay sa kalesa at ipababantay kay Mang Erwin.", saad ni Selya sa binibini.

Naawa naman si Clara sa kalagayan ni Selya kaya naman ay pumayag na rin ito. Ngayon lamang niya napansin sapagkat masyado siyang nasabik kanina sa pagpili ng mga maaaring putahe.

"Balikan mo ako Selya ha! Dito lang ako!", sigaw nito sa di pa nakakalayong si Selya.

Wala pang isang minuto mula nang makaalis si Selya ay napansin ni Clara ang dalawang tindero na tila'y nagsisigawan at halatang may pinagtatalunan. Inaawat na rin sila ng mga kasamahan nang bigla na lamang humugot ang isang lalaki ng itak at itinaga sa balikat nang kaniyang kaaway, bagay na ikina-atras at ikinalaki ng mga mata ni Clara. Lumaki ang kaguluhan doon ngunit si Clara ay nananatili pa rin sa kinatatayuan. Tila ba'y bumagal ang oras nang magkagulo ang mga tao. Isa-isang pinagmasdan ni Clara ang mga taong nagsisitakbuhan, ang iba'y nagtutulakan na at nagiging bayolente sa isa't isa.

"Binibining Clara!", tawag ni Selya ngunit hindi siya nilingon ng dalaga. Binilisan niya pa ang pagtakbo patungo sa binibini at muli ay mas linakasan pa niya ang pagtawag.

Flashed from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon