Pampitong Kabanata

365 23 4
                                    

Tila sumakit ang tiyan ni Clara sa di malamang dahilan. Dali dali siyang dumiretso sa palikuran. Pagkatapos ay nakahinga siya ng maluwag nang maramdamang wala na ang sakit na kanina pa tinitiis.

"Kailangan ko lang sigurong uminom ng maraming tubig", saad nito sa sarili. Nahirapan pa kasi ito kanina sa loob ng palikuran.

Pababa na ito ng hagdan habang hawak ang kaniyang tiyan nang makita si Leo na kausap ang isang dalaga malapit lamang sa napakalaking pintuan. 'Pati ba naman ang aming tagapagsilbi ay kaniyang liligawan?' napairap na lamang ito ngunit biglang nanlaki ang kaniyang mga mata nang mapansing hindi pala isang tagapagsilbi ang dalagang kinakausap ng binata kundi ang kaibigang kanina pa inaabangan.

"Ate Maria?", mahina ngunit sapat parin upang marinig ng dalawa.

Nang mapalingon ito ay kaniya ngang nakumpirma ang dalaga.

"ATE MARIAAAAAAAAAA!", sabik na sabik si Clara habang nagmamadali at patakbong niyakap ang dalagang si Maria.

Napasimangot naman ang binatang si Leo sa inasal ng binibini.

"Hindi ka ba nagagalak na ako'y makita? Hindi mo rin ba ako yayakapin?", nagtatampong saad nito sa kaniya.

Bumitaw na si Clara sa kaniyang pagkakayakap at hinarap si Leo.

"Nariyan ka pala? Hindi kita nakita", pang-aasar na lamang nito sa binata at tila sabik na hinila si Maria papunta sana sa kaniyang silid nang mapansing nasa likod at nakasunod sakanila si Leo.

"Saan ka pupunta?", naiinis nitong tanong sa kaniya.

Natawa na lamang si Maria sa kaniyang isip. Ang iniisip niya'y maglalambingan ang dalawa sapagkat nakatakda na silang maging mag-asawa. Ngunit taliwas sa kaniyang nakikita ang kaniyang inaakala.

"Sasama ako sa inyo", sagot ni Leo sa tanong ng binibini.

Napamewang na lamang si Clara at tiyaka tinaasan ito ng kilay.

"Hindi ka maaaring sumama. Mayroon kaming pag-uusapan na karapat-dapat lamang para sa mga kababaihan, hindi ba ate Maria?"

Sumang-ayon naman agad si Maria at hindi na napigilan pa ang mahinang pagtawa nito.

"Ngunit-", hindi na naituloy pa ni Leo ang kaniyang sasabihin nang biglang itinapat ni Clara ang kaniyang kamay sa mukha ng binata.

"Wala ka nang dapat pang idahilan. Maaari ka nang umuwi, o din naman kaya'y maaari kang humarap sa aming salamin na naroon upang may makausap ka naman", pambabara nito sa binata sabay turo sa salaming hindi kalayuan sa pinto at dali-dali nang hinila paakyat si Maria.

Liningon naman ni Maria ang binata upang palihim sanang humingi ng paumanhin ngunit natawa na lamang siya sa kaniyang sarili nang mapansing nakasimangot na ang mukha nito. Buti nalang ay napigilan niya ang muntikang pagtawa kanina sa sinambit ni Clara.

Napangisi na lamang si Leo sa inasal sa kaniya ng dalaga. Sa isip niya ay mukhang sinasamaan talaga ng binibini ang ugali sa kaniya upang siya na mismo ang tumanggi sa kasal.

Nang makapasok sa kaniyang silid ay agad na niyakap muli ni Clara si Maria.

"Ate Maria! Buti na lamang at narito ka na, natutuwa ako't makakasama ka na namin ni Selya", bakas ang labis na galak ng binibini.

Natawa na lamang si Maria sa inaasal ng dalaga.

"Binibini, nais ko rin sanang magpasalamat. Kung hindi dahil sa iyo ay hindi ako makakapunta rito sa siyudad", labis ang pagpapasalamat na saad nito sa dalaga.

"Naku, wala iyon!", tatawa-tawang saad ni Clara sa kaniya. 

"Magpahinga ka na muna rito ate Maria, masyadong malayo ang inyong binyahe", anyaya ni Clara sabay higa sa kaniyang kama na animo'y sinasabing mahiga rin siya.

Flashed from the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon