Sorry natagalan ang update hirap kasi eh cp lang gamit ko. ;) Enjoy this chapter! Mwaaa :*
Guys basahin niyo ulit inedit ko may dinagdag ako sa dulo. Thankyouuuu!!!
Napangiti si Kathleen nang makita si Raphael sa lanai. Malaki na ang pinagbago ng aura nito kaysa noong una silang magkita. Maaliwalas nang tingnan ang gwapong mukha nito. Tahimik niyang inamin sa sarili na nasabik siyang makita ito sa loob ng dalawang araw na hindi siya nakapasok.
Gosh, ano bang nangyayari sa kanya? Kailangan bang patuloy pa rin niyang maramdaman iyon? No, hindi dapat. Hindi siya nababagay kay Raphael Villarama. Kahit na may kapansanan pa ito alam niyang malayo pa rin ang level niya para dito.
Mayamaya ay napansin niyang iminaniobra nito ang wheelchair paharap sa kinatayayuan niya. Tila nagulat p ito nang mapansin siya. Ilang saglit na waring nagulat ito. Pagkuwa'y muli din itong pumormal.
"Pumasok ka na pala." anito.
"Oo." tugon niya.
"You were two days absent, Anong nangyari?" anitong muli.
"Nagkasakit kasi ang.. ang anak ko." aniya rito. Pagtingin niyang muli rito,napansin niyang ang pagkunot ng noo nito.
"M-may anak ka?" Tila gulat na tanong nito.
Tumango siya. Marahil hindi nabanggitni Mrs.Villarama dito ang dahilan ng pag-absent niya. At wala din itong alam tungkol sakanya.
Kunsabagay bakit ba iniisip niya na magtatanong ito sa Mama nito kung bakit hindi siya pumasok? At hindi din ito magtatanong sa Mama nito ng ibang bagay tungkol sa kanya dahil alam niyang hindi naman ito interesado. Dahil mas gusto nito na wala siya sa bahay na iyon.
"O-oo." tugon niya. Lumapit siya sa lounging cahir sa lanai at naupo roon. "Halika, imamasahe ko ang mga paa mo."
Sumunod naman ito. Paglapit nito ay sinimulan na nga niyang imasahe ang mga paa nito. Lihim siyang natutuwa na pumapayag na itonh gawin niya iyon.
Habang ginagawa iyon ay tahimik lang siya. Nag-angat siya ng tingin nang maramdaman niyang pinagmamasdan siya nito.
"B-bakit?" namumulang tanong niya rito.
Nagkibit-balikat ito. "Nothing, I just can't believe you're already married." anito.
Natawa siya sa sinabi nito. "I am not married. Anak ko si Sky sa pagkadalaga."
Tama ba ang napansin niyang tila biglang nagliwanag ng mukha nito sa sinabi niya?
"Bakit? I mean-"
"Pwede bang hwag na natin pag-usapan?" putol niya sa sasabihin nito.Tumangi naman ito. "Well, I just want to say, he must be insane for not marrying you."
"Bakit naman?" Muli siyang natawa sa sinabi nito.
"Well, you're beautiful. Hindi ba niya nkita kung gaano ka kaganda? And besides, maasikaso ka. You're fun to be with."
Muli na naman siyang nag-blush sa sinabi nito. "Madilim kasi no'n kaya hindi niya nakita kung gaano ako kaganda."
"What?"
Tila biglang natauhang naumid siya. Bakit ba kasi nasabi niya iyon kahit pabiro lang? "W-wala, wala. Just kidding."
Hindi na ito nagtanong pa. Pero mayamaya ay napansin niyang muli na naman itong nakatitig sa mukha niya.
"Have we met before Kathleen?" tanong nito na ikinagulat niya.
BINABASA MO ANG
Tonight I Gave Myself To Him
RomanceNakatakda ng Ikasal na si Raphael nang makilala nito si Kathleen. Iniregalo si kathleen ng mga kaibigan nito dito. Subalit hndi nya inaakala na magbubunga ang isang gabi ng kanilang pagtatalik. Pagkalipas ng ilang taon ay hndi na nya inaasahan na m...