Chapter 5

19.7K 428 7
                                    

#Sorry guys late yung UD medyo busy lang talaga babawi ako promise! :))

IG: achangganda follow me!!






Napapangiti si Kathleen habang pinanonood ang ginagawa ni Raphael. Dalawang metro mula sa wheelchair na kinaroroonan nito ay nagagawa na nitong humakbang patungo sa walker nito gamit ang hawak nitong crutches.






Natutuwa siya pagka't araw-araw nitong ginagawa iyon. Mula naman sa walker ay sinasanay nito ang sarili sa paghakbang. At araw-araw na nagkakaroon ng improvement ang ginagawa niti.





Pumapayag na rin itong magpatingin sa orthopedist nito para sa regular na check-up.

Nang sabihin ng orthopedist na lumalaki ang chance na makalakad itong muli, hindi niya mabasa ang reaksyon ng mukha nito. Marahil ay hindi lang nito gustong ipakita na somehow ay naniniwala na rin ito.






"Aba, Sir magpahinga ka naman." aniya nang mapansing tila ayaw na nitong bumitiw sa walker nito. "Heto at uminom ka muna ng juice."

Napangiti naman ito saka muling bumalik sa wheelchair nito. "One day, I'll never be in this walker and wheelchair again." Buo ang kunpiyansa nito nang sabihin iyon.




Matamis na nginitian niya ito. Ngunit may lungkot na tila gumagawa ng daan sa dibdib niya.


Isang araw, alam niyang tapos na ang trabaho niya sa mga Villarama. Isang araw ay kailangan na niyang lisanin ang mansiyo . At nalukungkot siya na hindi na niya ito makikita pa.






"Hey are you okay?" tanong nito pagkatapos kunin mula sa kanya ang baso ng freshly sqeezed orange juice. Iniinom nito iyon.






"O-oo naman." Pilit niyang itago ang nararamdaman nang sandaling iyon.


"Kathleen..."


"Hmm?"


"Salamt ha." anito. "Kung sumuko ka kaagad hindi sana nangyayari sa akin ito. I've never been this eager to do this before."



Marahan siyang tumango. Nagulat nalang siya nang mayamaya ay naramdaman ang paggagap nito sa kamay niya. Marahang pinisil nito iyon.


Nag-init ang mukha niya sa ginawa nito. Agad niyang binawi ang kamay niya mula rito. At kinuha ang basong hawak nito na wala ng laman.


Nagdiretso na siya sa kusina para hugasan na iyon. Ramdam pa din niya ang malakas na kabog ng dibdib nya.






Tonight I Gave Myself To HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon