Chapter 21

5.6K 230 23
                                    


Tinawagan ko ng umagang iyon si Love para ayain sana siyang lumabas dahil sa kabaitan na ginawa niya para sa anak ko. Dahil kung iba ang nakakita sa anak ko hindi ko alam kung kasing bait ba ni Love.


"Hello, Is this Love?" Sabi ko.


"Yes, speaking. may i know who is this?" Sabi nito sa kabilang linya.


"Uhm si kath ito. Just wanna invite you sana today lunch or dinner." Sabi ko.

"Of course my dear! Hmm dinner na lang kaya? What do you think?" Natatawang sagot nito sa kabilang linya.

"Ok sure. 7pm i'll text you na lang kung saan tayo magkikita. See you!" Sabi ko.

"See you later kath! Sama mo si Sky ha?" Masayang sabi nito.

"Sure." Sabi ko at binaba ko na ang linya.


Hindi ko alam pero sobrang excited ako na makita si Love sobrang gaan ng loob ko sa kanya sa hindi ko malaman na dahilan. Mas ok siguro kung ipakilala ko si Carla at Love sa isa't isa.


Tutal pareho silang mabait sa akin para sa susunod at tatlo na kaming lalabas para mamasyal.

Alas singko y medya na ng hapon at tinext ko si Love.

To: Love

Otw na kami ni Sky. See you at Filipino Restaurant.

Agad naman nag-vibrate ang phone ko.

From: Love

Yes. Im on my way too. Ingat kayo.

Pinasok ko na ang phone ko sa loob ng bag ko. Suot ko ang binili sa akin ni Carla na maternity dress saktong sakto lang ang haba hanggang tuhod at kulay royal blue ito na tinernuhan ko ng flat shoes.

Nang makarating kami ng anak ko sa restaurant ay wala pa si Love. Kaya kumuha na ako ng pwesto para sa mauupuan namin.

Wala pang 5 minuto ay dumating na siya.

"I'm so sorry natraffic ako." Bungad nito.

"Okay lang kakadating lang din namin. Pano order na tayo?" Sabi ko na nakangiti.

"Sure." Sabi niya.

Nang makaorder na kami ay agad na kinamusta ako ni Love.

"So how are you?" Paninimula nito.

"Ok lang naman ikaw ba?" Sabi ko.

"Ok lang din. By the way ilang months na nga ulit yung baby mo?" Tanong niya na nakangiti.

"4 months and 3 weeks na. Halos mag 5 months na din." Sabi ko sabay hawak sa tiyan ko.

"Ohh.. Alam mo ba ang ganda ganda mo magbuntis." Sabi niya na manghang mangha ang mga mata.

Medyo namula ang pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

May nakita akong lalaking pumasok ng restaurant at umupo sa likod ni Love.

Hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako sigurado kung si Raphael ba ito sapagkat balot na balot ang suot nito at naka sumbrero pa ito.

Hindi ko siya masyado makita dahil masyadong mataas ang upuan sa pagitan nila ni Love.

"Hey bigla ka na lang tumahimik?" Pukaw ni love sa akin.

"Im so sorry ano nga ulit yung tanong mo?" Sabi ko na nakangiti.

"Wala." Natatawang sabi niya. "Nasaan na nga pala ang daddy nila?" Tanong nito.

Tonight I Gave Myself To HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon