Chapter 8

20.4K 367 23
                                    

Chapter 8 Sorry guys kung sobrang tagal bago nakapag-update medyo busy lang po talaga :'(

Bakas ang sobrang tuwa sa mukha ni Mrs.Villarama nang makita nitong nakakalakad na ang anak. Natutuwa naman si Kathleen sa nakitang pagbabago sa binata. Nagsimula na itong maging abala. Sa pag-uusap ng mag-ina ay naririnig niyang pinagpa-planuhan na ni Raphael ang simula ng paghawak nitong muli sa mga negosyo ng pamilya nito.

Gayunma'y napansin niyang malaki na rin ang pinagbago nito sa kanya. Palagi itong seryoso. Tila sinasadya nitong umiwas sa kanya. At lihim siyang nasasaktan dahil may namagitan na sakanilang dalawa. Sinikap nga lang niyang balewalain iyon. Hindi niya gusto mahalata nito na masyado siyang apektado sa ipinapakita nito.

"Hija..."

Nagulat na lang siya nang marinig ang tinig ng ginang, Napalingon siya dito. "Ma'am?"

"Ilang araw ko nang napapansin na palagi kang tahimik. May problema ba hija?"

Sunud-sunod ang pag-iling na ginawa niya. "Naku, wala ho."

"Sigurado ka ba?"

Sunud-sunod na pagtango naman ang ginawa niya at ngumiti. "Wala ho talaga"

Tila naniwala naman ito. "Gusto kong magpasalamat ng paulit-ulit sa'yo, hija. Malaki talaga nagawa mo para makalakad muli ang anak ko."

"Wala hong anuman yun ma'am." Pagkuwa'y tahimik siyang nagyuko ng ulo. "Gusto ko  na nga rin ho sanang magpaalam sa inyo."

Tonight I Gave Myself To HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon