"ETO NA GUYS YUNG REQUEST NYO. PSENSYA NA KUNG HINDI AGAD MAKAPAG-UD BUSY LANG AKO. DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT PARA GANAHAN AKONG MAG-UD. LOVEYOU GUYS."Nagtaka si Kathleen nang mapansing abala ang lahat ng kawaksi sa bahay nang araw ng linggong iyon.
Nang mapadaan siya sa kusina at makita si Manang na sobrang abala sa pagluluto ay hindi na niya napigilanh magtanong.
"A-anong meron, Manang?" Tanong noya rito.
Saglit siyang sinulyan nito bago tumugon. "Nakuu, aba'y hindi mo ba alam na kaarawan ngayon ni Sir Raphael?" anio. "Yun lamang eh ayaw niya ng en grandeng handaan. Yung mga malalapit lang niyang kaibigan ang darating mamaya."
Nagulat siya roon. Hindi niya alam na kaarawan ni Raphael.
Bandang hapon nga ay nagsimula nang magdatingan ang mga barkada umani ni Raphael.
At ganoon na lang ang pagkagulat niya ng isa isang makilala ang mga ito.
Akmang tatalikod na siya nang marinig ang pagtawag ng isa.
"Hey, wait you look familiar Miss." anang isa. Pahluwa'y bumaling pa ito sa mga kasamahang lalaki.
Hindi pa bumababa nang sandaling iyon si Raphael. "Mon, look at her. She looks familiar right?"
"Yeah right," sagot ng tinawag na Mon na noon ay kunot-noo ding napatingin sa kanya.
Nakita niya kung paano lumalim an kunot sa noo ng mga ito.
Waring matagal na hinagilap ng mga ito sa isip kung saan siya nakita ng mga ito.
"I'm sure we have met her before," anang isang lalaki naman. "Ahh, iniisip ko lang kung saan, pare eh."
At bago pa siya maalala ng mga ito ay mabilis nang lumayo ang dalaga. "Excuse me." aniya bago mabilis na tumalikod palayo sa mga ito.
Habang paakyat ng hagdan ay tila tulala pa rin siya.
Lihim niyang ipinagdadasal na sana ay hindi siya makilala ng mga ito.
Kailanman ay hindi niya napaghandaan ang bagay na iyon.
"Hey you look pale."
Natigilan siya nang mag-angat ng tingin at makasalubong ang tingin ni Raphael.
Inaayos pa nito ang kuwelyo ng suot na polo habang naglalakad sa pasilyo pababa ng hagdan.
"May sakit ka ba?" Tanong nitong bahagya pang sinalat ang noo niya.
Mabilis ang ginawa niyang pag-iling. "W-wala akong sakit."
"But you look pale. Patingin nga ng kamay mo." Hindi na siya makaiwas nang hawakan nito ang mga kamay niya. "Ang lamig ng mga kamay mo. Tell me, aren't you feeling better?"
"Raphael, okay lang sabi ako. Bumaba ka na, andiyan na ang... Ang mga kaibigan mo."
"Are you sure? Well, kung okay naman pala ang pakiramdam mo, sumama ka sa akin. Ipapakilala kita sa kanila."
BINABASA MO ANG
Tonight I Gave Myself To Him
RomansaNakatakda ng Ikasal na si Raphael nang makilala nito si Kathleen. Iniregalo si kathleen ng mga kaibigan nito dito. Subalit hndi nya inaakala na magbubunga ang isang gabi ng kanilang pagtatalik. Pagkalipas ng ilang taon ay hndi na nya inaasahan na m...