Chapter 17

17.5K 335 47
                                    

KATHLEEN's POV


Sino nga kaya ang dating nobyo ni Carla? Hindi kaya si Raphael ang tinutukoy niya? Kaya siguro siya nagbalik dito ay para kay Raphael..

Pero ikakasal na si Raphael kay Hannah.

Hay gulong gulo na ako. I really don't know what to do.

Mabaet si Carla oo, pero paano kapag nalaman niya na ang ama ng aking mga anak ay si raphael?

Hindi niya maaaring malaman ito panigurado akong magagalit siya sa akin.


Bakit ba kasi nangyayari ito?

Bakit ba kailangan ko pang malaman o makilala ang mga tao sa nakaraan ni Raphael?

Masyado ng maraming hadlang para sa amin.

Siguro nga ay hindi kami para sa isa't-isa.

Mas mabuti pa siguro na kalimutan ko na talaga siya.


RAPHAEL's POV

Hindi ko na alam kung saan ko hahanapin ang mag-ina ko.

Miss na miss ko na sila.

Masaya kaya sila kay Charles?


Kapag naiisip ko yun gusto kong pumatay ng tao.


Bakit kasi kung kelan nasa akin na saka pa mawawala?

Bakit kailangan mangyari sa amin ang mga bagay na ito?


May anak kami pero hindi pwedeng maging kami?

Bakit sobrang unfair ng mundo?

"Anak bakit ka nagmumukmok dyan?" Tanong ni mama.

"I missed her ma sobra. I really don't know what to do." Sabi ko na naiiyak na.

"If you love her, paglaban mo. Bakit mo hahayaan na mawala at pagtaguan ka nalang niya?" Sabi ni mama.


"Hindi ko nga alam ma, ang sabi niya sa akin magpapakasal sila ni charles pero hindi naman pala. Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinabi." Sabi ko.


"Siguro ay may mas malalim pa na dahilan ai Kathleen kung bakit siya lumayo. Pero kung mahal mo talaga siya go find her. At hwag na hwag lang uuwi ng bahay hanggat hindi mo kasama ang mag-ina mo." Sagot ni mama.


Hindi ako nakasagot sa sinabi ni mama.

Kunsabagay, tama naman siya bakit ako nagmumukmok kung pwede ko naman sila hanapin?


Ngunit saan ko sila hahanapin?

Bukas na bukas na gagawin ko ang lahat para makita lamang ang mag-ina ko.

Makita ko lamang sila kaagad ay ora mismo ay magpapakasal kaming dalawa.

Basta ipaglalaban ko sila mapatunayan ko lang na mahal n mahal ko siya.


Gagawin ko ang lahat maging akin ka lang Kathleen..

Paalis ako ng bahay upang hanapin ang mag-ina ko ng makita ko na naman ang pagmumukha ni Carla.

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tugon ko.


"Mangangamusta lang." Sabi niya na nakangiti.


"Nang ganitong kaaga? Ok lang ako makakaalis ka na." Sabi ko.

"Hindi ka naman ganyan dati ah? Ang sweet mo sakin non. Bakit ganyan kna ngayon?" Sabi niya na medyo malungkot na tono


"Madaming nagbago, simula ng iwan mo ako." Sabi ko.


"Bumabalik na nga ako di ba? Ayusin na natin to." Sabi niya.


"Hindi un ganoon kadali. Isa pa hindi na mangyayari ang gusto mo. May mahal na kong iba." Sagot ko.


"Hindi ako naniniwala. Sinasabi mo lang yan kasi nasaktan kita! I know you still love me!" Sabi niya.


"Paniwalaan mo kung ano gusto mong paniwalaan. Aalis na ko dahil hahanapin ko pa ang mag-ina ko." Sabi ko sabay pasok ng sasakyan ko.


Bakit ba siya bumalik pa dito?

Kung hindi naman dahil sa kanya hindi ko makilala si Kath..

Nagpapasalamat pa nga ako dahil nakilala ko ang mag-ina ko.

Kung natuloy ang kasal namin noon panigurado hindi ko makikilala si Sky..

Lalaking walang ama ang anak ko.

Hays nasaan na kaya sila? Kelangan ko silang makita..


Lalo na ngayon na alam kong hindi naman pala talaga sila magpapakasal ng Instik beho na si Charles!

Sorry guys konti lng UD eto lang talaga kaya kooo sorry :( Kailan at paano kaya niya makikita ang mag-ina niya? Ano ba talaga ang gusto mangyari ni Carla? Need your comment guys!!! :)) Support nyo naman yung

"THE SEX GODDESS"

@achangganda

Tonight I Gave Myself To HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon