Hi guys! Finally im baaaaaaaaaack after 1234567890 years! Salamat sa mga matitiyagang naghihintay ng UD ko! Naging busy lang akes sa school! Babawi ako promise! =) Add nyo ko FB:Achang Lucas Kimura para chat chat tayooo :)
"Walang kaalaman at sapat na experience si Kathleen sa restaurant management. Kaya sobrang kabado siya nang unang araw na ibinigay sa kanya ni Mrs. Villarama ang responsibilidad ng paghawak ng isa sa mga Branche's ng Villarama's matapos ang ilang trainings na pinagdaanan niya.
Gayunpama'y ilang araw na hindi siya iniwan ni Mrs. Villarama hangga't hindi niya natututuhan ang pasikut-sikot ng pagma-manage ng restaurant.
At sa bawat araw na nakikita nito ang magandang kita ng restaurant mula nang hawakan niya iyon, tuluyang ipinaubaya na nito sa kanya ang pagma-manage niyon.
Kaya nagulat na lang siya nang isang araw ng Lunes ay dumating naman doon si Raphael.
Nang ipatawag siya nito sa private office ay agad naman siyang sumunod. Bahagyang kumakabog ang dibdib niya ng makita niya ito. Yet he still looked formal as he had always been.
Lihim niyang na-miss ito. Mula kasi ng imanage niya ang isa sa mga branch ng Villarama's ay bihira na silang magkita nito. Madalas ay gabi na rin itong umuuwi. Sa umaga naman ay nauuna siyang umalis.
"How;s your branch?" tanong kaagad nito nang pumihit paharap sa kanya. nakapamulsa ang kamay.
"Okay naman, maganda ang sales rescord kumpara ikukumpara noon?" tugon niya.
Napatangu-tango ito. "Good. But you have no time for yourself. maging kay Sky. How about going out tomorrow? Gusto kong ipasyal natin siya."
Bahagyang napakurap siya sa sinabi nito. Hindi niya mapaniwalaan iyon. At nabagbag ang loob niya sa sinabi nito. "Raphael hindi naman kailangang---"
"No, it's okay. I pity him, you know. Hindi ko alam kung bkit may times na nami-miss ko ang bata. Well. i don't know." Sabay nagkibit-balikat ito.
BINABASA MO ANG
Tonight I Gave Myself To Him
RomanceNakatakda ng Ikasal na si Raphael nang makilala nito si Kathleen. Iniregalo si kathleen ng mga kaibigan nito dito. Subalit hndi nya inaakala na magbubunga ang isang gabi ng kanilang pagtatalik. Pagkalipas ng ilang taon ay hndi na nya inaasahan na m...