Nandito ako ngayon sa clinic dahil monthly check up ko, Ang bilis ng panahon ilang buwan na ang nakaraan simula ng umalis ako sa mansyon ng mga Villarama. Kaya medyo malaki na rin ang umbok ng tiyan ko.
Ni minsan pinangarap ko din na makita ni Raphael ang pinagbubuntis ko, Gusto kong alagaan niya ako. Gusto kong makita niya na lumalaki ang tyan ko. Ngunit bumalik na naman ang nangyari 5 taon na ang nakaraan.
Hindi rin niya nakitang lumaki si Sky sa sinapupunan ko. Naiingit ako sa mga babaeng kasabay ko ngayon sa clinic dahil kasama nila ang kanilang mga asawa. Kitang-kita ko ang pag-mamahal sa mga mata nila.
Kung paano nila alalayan ang kanilang mga misis.
"Miss Kathleen Santos, Next na po kayo." Pukaw ng nurse sa pag-iisip ko.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumasok na ako sa loob kung saan naroon si doctora.
"Kath, hwag ka masyadong mag-iisip ng kung ano ano medyo mahina si baby. Kailangan mo mapahinga. Bibigyan kita ng mga vitamins na kailangan mo inumin okay?" Sabi ni doc.
"Yes doc, Mag-iingat po ako." Sabi ko.
Lumabas na ako ng clinic at ngayon ay naghihintay ako ng jeep na masasakyan ko pauwi sa bahay.
Nahagip ng paningin ko ang lalaking ni minsan ay hindi ko makakalimutan ang itsura. Simula ng mangyari ang gabing iyon hindi na nawala na sa isipan ko ang mukha ng ama ng mga anak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung nakita ba niya ako siguro ay hindi. Kaya dumirecho lang ang kotseng sinasakyan nito.
At bakit ba ako umaasa na hihinto siya sa harap ko? Na hihingi ng tawad at sasabihin na sana bumalik na sila ni Sky.
Hindi nga pala nito alam ang pagbubuntis ko kaya nagmamadali akong sumakay ng jeep.
RAPHAEL's POV
Papunta ako ngayon sa bayan dahil magkikita kami ng pinsan kong si Lovely. Sakay ako ng kotse ko ng may makita akong babaeng medyo kalakihan ang tyan at parang kamuka siya ni Kathleen.
Hindi ako makabalik dahil one way lang ang dinadaan ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa babaeng hindi ako pwedeng magkakamali alam kong si Kath yun ang babaeng mahal ko.
BINABASA MO ANG
Tonight I Gave Myself To Him
Roman d'amourNakatakda ng Ikasal na si Raphael nang makilala nito si Kathleen. Iniregalo si kathleen ng mga kaibigan nito dito. Subalit hndi nya inaakala na magbubunga ang isang gabi ng kanilang pagtatalik. Pagkalipas ng ilang taon ay hndi na nya inaasahan na m...