Chapter 2 (Its him!)

25K 377 20
                                    

Chapter 2

Gaya ng napag-usapan nila ni Mrs. Villarama, nang araw na yon ay magkikita sila nito sa restaurant kung saan sila kumain noon. Susunduin siya nito roon para isama sa Villarama’s Mansion sa isang ekslusibong subdivision sa Makati.

“N-nasaan po ang… ang anak ninyo Ma’am?” tanong niya matapos siyang maka-upo . “A-alam po ba nya nab ago na siyang attendant?”

“Hindi pa hija.” Sagot nito sabay abot sakanya ng juice. “Halika sa lanai hija.” Sabi  ng ginang matapos nilang inumin ang juice. “Doon nagpupunta ang anak ko kapag ganitong oras.”

“Hijo….” Tawag-pansin ng ginang pagkarating nila sa lanai.

Unti-unti ang ginawang pagharap ng lalaki gamit ang kanyang wheelchair sakanila. Walang kangiti-ngiti ang anyo nito. Tama nga si Mrs.Villarama galit  nga ito sa mundo. Madamot ang pag-ngiti. Puno ng malalagong balbas ang mukha nito , matagal ng hindi nag-aahit. Pormal n pormal ang nito habang kunot-noong nakatingin sakanya. Ilang saglit na tila pinag-aaralan siya nito bago ito tumingin sa ina nito.

“Sino yan, ma?” Tanong nito.

‘Yan. Sa ginamit pa lang nitong pagtukoy ay lihim nang nainis ang dalaga. Parang isang walang kwentang bagay lang ang nakita nito.

“Siya si Kathleen hijo.” Tugon ng ginang dito. “Siya na ang bagong attendant mo.”

Sa narinig ay agad n nagdilim ang mukha nito. “How many times will I tell you that I don’t need an attendant, Ma?” Galit na tanong nito.

“Hijo, hindi lang naman attendant ang kailangan mo  eh, kailangan mo rin syempre ng kausap dito, ng kaibigan. Why don’t you be friend her?” Humihingi ng pasensyang paliwanag dito.

“That’s absurd to hear , Ma.” Tugon nito. “Mas Masaya kong mag-isa. Bring that lady up to where you got her. Hindi ko yan kailangan.” Pagkasabi noon ay umalis n ito.

Natitigilang nasundan na lamang ng tingin ni Kathleen ang papalayong wheelchair. Bahagya siyang napakurap sa hindi pagkapaniwala. Wala nga pala talagang attendant ang magtatagal dito kahit unang araw pa lang. Tila gusto na niyang umayaw ng mga sandaling iyon.

Pero hindi, desisyon niya. Kailangan niyang pagtyagaan ang ugali nito..

“Hija pasensya ka na sa anak ko ha?” Baling ng ginang sakanya. “Pero hwag ka muna sanang susuko. Please be patient with him.”

Tumango naman siya “Ano po pangalan ng anak ninyo Ma’am?” tanong niya rito.

Tonight I Gave Myself To HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon