Sorry kung medyo natagalan update, Gagawa po ako ng ONE SHOT gusto nyo ba yun? based on true story. :)
Maraming nagbago mula nang malaman ni Mrs. Villarama na tunay na apo nito si Sky.
Sobrang natuwa ito at waring ang buong mundo nito ay umikot na sa kanyang anak.
Lahat ng materyal na bagay na alam ng mga itong makakapagpasaya sa kanyang anak ay ibinibigay ng mga ito.
Maging si Raphael ay lalo pang naging sobrang magiliw dito.
Nabalot ng sobrang kasaganaan ngayon ang anak niya.
At hindi gusto ni Kathleen iyon, Ewan pero hindi niya gustong masanay sa luho ang anak niya.
Iyon marahil ang dahilan kung bakit madalas ay tahimik lang siyang nagkukulong sa silid kung wala rin lang siyang trabaho.
Nalulungkot siyang hindi niya mawari. Maging si Raphael ay tila nakalimutan na rin siya.
Kungsabagay, sa simula pa lang ay alam naman niyang past time lang ang anumang namagitan sa kanila nito.
Bakit ba umaasam pa siya ng higit pa roon?
Napalingon siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Nagtatakbo palapit sa kanya si Sky.
BINABASA MO ANG
Tonight I Gave Myself To Him
RomantizmNakatakda ng Ikasal na si Raphael nang makilala nito si Kathleen. Iniregalo si kathleen ng mga kaibigan nito dito. Subalit hndi nya inaakala na magbubunga ang isang gabi ng kanilang pagtatalik. Pagkalipas ng ilang taon ay hndi na nya inaasahan na m...