Chapter1

31.3K 323 7
                                    


Hi guys! Suportahan niyo naman ako sa storyong ito :) Thankyouuuuu!!!!
@Achangganda

Chapter 1



"Kathleen, Kanina pa masama tingin sayo n Mrs.Ong o." Bulong ng kasamahan nyang si Bella.



Natauhan naman s Kathleen sa tahimik na pag-iisip. Pati sa trabaho nya ay hndi nya maiwasang hndi mag-isip.


"May problema ka ba sis? Kanina ko pa kasi napapansing wala ka s sarili mo parang ang layo ng iniisip mo." Nginitian nito ang isang customer na kasalukuyang tinitignan ang mga nakadisplay nilang walker.



Ang pinagtatrabahuhan nila ay tindahan ng mga medical supplies. Ang pwesto nila ay malapit sa maynila. Dahil gusto n Mrs.Ong na may kaalaman kahit papaano sa physical theraphy ang mga tauhan nito kaya't binigyan siya nito ng isang buwang training noon sa pagitan ng pagtatrabaho niya roon.




"Si sky kasi, maya sakit nung iniwan ko kanina." Nag-aalala nyang sabi. "Nag-text sakin s Jenny na hindi pa rin daw bumababa ang lagnat niya." Yaya ng anak nya ang tinutukoy nya.



"Diyos ko eh bakit pumasok ka pa?" Pabulong n sabi nito.


"Baka kasi mapagalitan n naman ako n Mrs.Ong ang dami ko ng absent dahil lately ay madalas magkasalit s sky. Sympre kailangan ko magtrabaho para may pang-gastos kami sa aaw-araw."



"Sagutin mo na kasi si Dr.Charles no!" Ang tinutukoy nito ay ang anak na Mrs.Ong na manliligaw nya.




Gwapo naman si Charles hndi mo mahahalatang may lahing intsik kung hindi dahil sa kutis nito. Purong pilipino kasi ang nanay nito. Ang tatay naman nito ay half chinese lang. Kamukhang-kamukha nito ang kanyang ina. Ang balat nito ay nakuha sa kanyang ama. Sa kabuuan ay gwapo si Charles na pagpapantasyahan din ng mga babae.


"Bella wala pa s isip ko ang makipag-relasyon. Masaya na ako sa anak ko."


"Eh kailan ka magkakalovelife? Kapag kulubot na yang balat mo?"


"Shhh..... marinig ka n Mrs.Ong. Ikaw talaga bata pa naman ako ah."


Naputol ang pag-uusap nila nang tumunog ang door chime sa bungad ng tindahan. Agad nilang nilapitan ang customer. Isang matandang babae na maaliwalas ang mukha.



Agad niyang napansin ang pagtitig sa kanya ng matandang babae bago ito magtanong "Marami ba kayong klase ng wheelchair dito iha?"


"Yes ma'am this way po." Iginiya nya ang matanda papunta sa mga wheelchair. Pagkatapos nitong tumitingin ng wheelchair ay saka tumingin saknya.


"Ibigay mo sakin ay iyong pinaka-magandang klase hija."



Iginaya naman niya ito patungo sa pinakamahal na presyo ng kanilang wheelchairs. Ilang saglit na sinuri nito ang isa sa mga iyon bago sinabing bibilhin nito iyon.


"Matagal ka na ba dito hija?" tanong nito n ikinagulat niya.

Sa loob kasi ng 3 taong pagtatrabaho niya roon mula ng ipinanganak niya si Sky ay noon lang may nagtanong sa kanya ng ganon.


"T-tatlong taon po." magalang nyang sagot.

"Maayos naman ba ang sahod mo dito?" tanong uli nito.

Tumango siya "Maayos naman po."


"Hija gusto mo ba ng ibang trabaho?" Tanong muli nito na ikinagulat niya.

Tonight I Gave Myself To HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon