ii

929 23 8
                                    

Simula ng dumating ako sa unibersidad na 'to at nakilala ang may saltik na manyak na si Donny ay hindi na kumalma ang nararamdaman ko. Araw-araw ko nalang kasi siyang nakikita dahil sa magkatabi lang ang building namin.

Hindi ko rin inakala na maraming palang nagkakandarapa sa manyak na lalaking yun. Biruin mo? Pati propesor namin sobrang nahuhumaling sakanya. Siguro kalahati ng discussion si Donny ang topic. Anong nagustuhan nila sakanya? Mayabang, bastos at chansing naman yung lalaking yun.

"Sari! Hintay!" Kung minamalas ka nga naman.

"Ano?!" Galit akong lumingon sakanya.

"Ang aga-aga, galit ka na agad?" Nakangiti itong naglakad papalapit saakin.

"Heh. Sayo lang." Akmang aakbayan niya ako pero mabilis kong napalo yung kamay niya.

"Bakit ang init ng ulo mo saakin? Gusto ko lang naman na mapalapit sa'yo. Diba, magiging asawa kita. Magka-kaanak tayo. Ang saya! Babies agad!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinuntok ko siya. Oo, sinuntok ko siya sa tiyan. Ang sama ko ba? Eh, ayokong ginaganun ako e.

"Aray! Aaaah! Hoy tek–a!" Napakapit naman ito sa dingding ng building.

"Hah. Buti nga sayo!" Tsaka ko siya iniwan na namimilipit sa sakit ng suntok ko. Oo, taga-probinsya ako hinding-hindi ako magpapaapi sa mga mayayamang taga-rito. Ayoko lang matulad sa mga babaeng taga-bukid na nililinlang ng mga lalaking taga-siyudad na kagaya sa mga pinapalabas sa telebisyon. Lakas maka-stereotype! Porket taga-probinsya ginagago at niloloko nila. Sobrang nakaka-gigil!

Ilang buwan na rin ang lumipas simula noong sinuntok ko sa tiyan si Donny ay hindi ko na ito nakita. Noong una ay nasiyahan ako kasi wala ng nangungulit sakin. Pero ngayong napagtanto ko na parang may mali, na parang nababagabag ako sa tuwing naaalala ang ginawa ko sakanya ay napapaisip na lang ako. Paano kaya kung may nangyaring masama dun? Baka sugurin ako ng mga magulang niya at ipatalsik sa unibersidad na 'to. Naku! Wag naman sana! Ga-graduate pa ako!

Sa 'di malamang dahilan ay nandito ako ngayon naglalakad sa lugar kung saan kami unang nagkita ni Donny. Bakit at anong dahilan ko at nandito ako sa lugar na 'to? Kalma, Sari! Kalma! Magtatanong ka lang naman kung napano siya e. Wala namang masama dun.

Kakatok na sana ako ng nagtanong na naman ang utak ko. Paano kung magalit siya saakin? Paano kung sungitan niya ako at itaboy? Baka papahirapan niya ako! Tinatak ko sa aking isipan na galit si Donny saakin. Sino ba naman ang hindi? Sinuntok ka na nga, magpapaka-anghel ka pa.

"Ah, basta!" Hindi ko naman sinadya na malalakasan ko pala ang pagkatok. Naku! Baka nabulabog ko si Donny. Paniguradong magagalit yun.

Nagbilang ako kung ilang segundo ba tatagal hanggang sa buksan niya tong pinto. Kinakabahan ako!

"Sari?" Napatigil ako. Hindi ko alam kung totoo ba yung narinig ko o guni-guni ko lang.

"Sari." Naku! Nakakaloka! Naririnig ko boses niya pero hindi ko siya nakikita.

"Sarita." Napalunok ako ng maramdaman ang kanyang presensya at pati ang lamig na pagdampi ng kanyang hininga sa aking batok na siyang nagpatayo saaking balahibo. Alam niya ang totoo kong pangalan.

Napalingon ako at halos maduling sa lapit ng mukha ni Donny na kasalukuyang nakatingin lamang saakin. Ang ekspresyon sa kanyang mukha ay iba sa nakita ko noon, ibang-iba. Ibang-iba din ang nararamdaman ko.

Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko. Nakakabingi. Ito ba'y kaba? Sa  bawat pintig nito ay nanghihina ako. Kanina naduduling ngayon naman nabibingi. Unti-unti na talagang nasisira senses ko dahil sa lalaking to!

senyorito • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon