xxvii

119 2 0
                                    

Kisses' POV

Panay ang silip ko sa aking cellphone para i-check kung nag-text na si Donny. Pero wala! Wala ni isang tuldok. Nasaan na nga ba kasi siya? Aware naman siguro siya na may dinner kami, diba? I excused myself at umalis ng dining area. Pagupo ko sa sofa ay narinig kong nagri-ring na ang phone ni Donny. 

Matapos ang ilang ulit ko na pagtawag ay hindi parin niya sinasagot kaya naghinala na ako kung nasaan siya at kung sino ang kanyang kasama? Kung totoo man ang hula ko na si Sari ang dahilan ng pagiging late niya ay aawayin ko talaga ang babaeng 'yon. She's always getting on my way. Bakit hindi ko pa kasi tinuturuan ng leksyon ang babaeng 'yon? Lahat tuloy ng mga plano ko nasisira o di kaya'y hindi natutuloy ng dahil sakanya.

I sighed knowing na hindi na pala talaga makakapunta si Donny. Ito'ysinabi saakin ni Tito ng lumabas sila ni Daddy mula sa dining area. Kung alam ko lang na hindi pala siya tutuloy ngayon sana hindi nalang ako naghanda ng bonggang-bongga. Nakakainis!

Padabog akong tumayo at nagmartsa paakyat ng hagdan. Narinig ko pa na humingi ng paumanhin saakin si Tito. Well, hindi naman niya kasalanan kung mas pinili ni Donny ang sumama sa ibang babae. Hindi ko lang kasi maintindihan kung anong nakita niya kay Sari. We've known each other since then dapat ako ang binibigyan niya ng pansin e. 

I should plan and get him as soon as possible.

Maaga akong nagising dahil bukod sa may pasok ako ngayon kailangan ko rin na malaman kung saan naman nagpunta si Donny. I was calling him last night pero hindi siya sumasagot. For sure, nalason na ng Sari na 'yon ang utak niya and I won't allow that.

As I was getting into my car and was about to leave na talaga for school, I noticed someone outside the gate. Napahinto ako to check if may bisita ba na dumating kasi I can't accompany anyone right now and Dad is at the office already.

"Manang," tawag ko sa kasambahay namin.

"Yes ma'am?" sabi nito ng makalabas ng bahay dala ang mga gamit ko.

"May bisita ba tayo ngayon?" tanong ko.

"Wala naman po. Bakit po?"

"Nothing. I tho—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng marinig ko na may biglang nagsalita. Napalingkon kaagad ako and to my surprise I saw someone familiar.

"Uncle Fred!" gulat kong sabi at kaagad na lumapit sakanya.

"How's my lovely pamangkin?" he asked while smiling.

"Pretty as usual." natatawa kong sabi at ganon din si Uncle. Pero dahil hindi na ako magtatagal ay sinabi ko na sakanya na kailangan ko ng umalis for school at sinabing wala rin si Dad sa loob.

Kaya sinabi ni Uncle na aalis nalang siya at siya nalang din ang maghahatid saakin papuntang DSU.

Sari's POV

"Hindi ka ba talaga papasok?" tanong ko kaagad kay Donny ng makarating na kami sa skwelahan. Sabi kasi niya sa akin na babantayan niya lang ako at hihintayin sa labas ng school hanggang sa oras ng uwian. Ang dami kong gustong itanong kaso pinili ko na manahimik muna at obserbahan ang mga nangyayari. Ayaw ko rin kasi na sirain yung atmosphere sa pagitan naming dalawa.

"Hindi na. Dito nalang ako at kung may napapansin kang hindi maganda, tawagan mo kaagad ako. Okay?" tumango lang ako sa sinabi niya at tumalikod tsaka naglakad papasok ng gate.

Hindi man ako kumportable ay kailangan ko munang tiisin at ipunin ang lahat ng mga katanungan ko. Kagabi ko pa kasi napapansin na palagi siyang may kausap sa telepono. At ng magising ako ng mga bandang ala una ay nakita ko siya na nakaupo pa sa sofa habang nanunuod ng TV. Kinakabahan ako sa mga mangyayari kasi baka maulit na naman ang nangyari sa amin noon. Pero sana hindi na, sana talaga wala ng masamang mangyari.

Sa aking pag-iisip ay hindi ko namalayan na may tao pala sa harap ko. Hindi ko na rin kasi napapansin ang dinadaanan ko sa dami ng aking iniisip.

"Sorry," sabi ko sa taong nakatayo sa aking harapan. Hindi ko pa nakikita ang mukha nito dahil sa nakatalikod ito sa akin. "Pasensya na,"

"Okay lang," agad naman niyang sabi ng humarap siya sa akin. Nginitian niya ako kaagad na para bang hindi ko siya nabunggo. "Estudyante ka ba dito?"

Tumango ako bilang sagot at do'n ngumiti ulit siya at nagtanong kung nasaan ang Principal's Office. Sinabi ko sa kanya ang daan at aalis na sana ngunit naalala ko na malaki pala 'tong school na 'to at baka maligaw siya. Tiningnan ko ang aking relo at may kaonting oras pa bago mag-start ang first class ko kaya bumalik ako sa dinaanan ko kanina.

"Excuse me," sabi ko ng maabutan ko siya sa hallway ng building. "A-ah, sasamahan na kita."

Pagkasabi ko no'n ay hindi umimik ang lalaki. Kaya parang unti-unti na akong nahihiya. Wala kasi siyang sinabi at 'di rin jlaro sa akin ang reaksyon niya sa biglaan kong pagsulpot at pati na rin sa aking sinabi.

"Talaga?" 'di makapaniwala niyang sambit. "Kung gano'n, salamat. You lead the way."

Ngumiti siya saakin at ganoon din ako. Pinauna niya akong maglakad at susunod nalang daw siya sa akin. Sinabi ko na rin ang dahilan kung bakit ako bumalik para samahan siya papunta ng Principal's Office at mabuti naman at na-appreciate niya. Baka kasi talaga 'pag hindi ko siya sinamahan ay matulad siya sa akin na naligaw sa unang pasok ko palang ng unibersidad. At dahil do'n naalala ko na naman kung paano ako pinag-trilan ni Donny. Naoangiti nalang ako ng bahagya sa mga naaalala ko at tinago rin naman agad ang mukha. Baka kasi mapansin ako ng kasama ko ngayon na ngumingiti ako ng mag-isa at ma-judge ng wala sa oras.

Maya-maya ay narating na rin namin ang opisina. Sinabi ko sakanya na siya nalang ang pumasok at hihintayin ko nalang siya dito sa labas. Ayaw na sana niyang magpahintay kasi baka daw naaabala na niya ako pero pinilit ko pa rin na samahan siya para na masigurado kong ayos na siya. Baka sabihin nito na 'di friendly at accommodating ang mga estudyante ng DSU. Pandagdag points na rin 'to sa reviews ng school tsaka 'pag nalaman ng iba edi dadami pa ang estudyante dito at gaganda ang image ng school kahit na mabuti na naman talaga ang reputasyon nito noon pa.

Napalingon ako kaagad sa pinto ng office ng bumukas ito at nakitang lumabas na ang lalaking kasama ko kanina. Ngumiti siya sa akin bago tingnan muli ang papel na hawak niya. Napasilip din ako dito at nalaman na transferee pala siya.

Tinanong niya sa akin kung saan ang building ng first subject niya ng 'di inaasahan ay magkaklase pala kami.

"Oh? Teka, magkaklase tayo?" gulat kong sabi sabay kinuha sakanya ang kanyang schedule. Tiningnan ko isa-isa ang mga subjects niya at nagulat na may lima kaming subjects na magkaparehas.

Nagtawanan kami pareho habang naglalakad patungo sa building ng first class namin.

Pagpasok namin ng classroom at napatingin ang ilan naming mga kaklase sa aming dalawa. Hindi ko nalang 'yon pinansin at dumiretso na sa pwesto ko. Eksaktong bakante ang upuan na nasa likod ko ay doon ko na muna siya pinaupo.

Habang nilalabas ko ang mga gamit ko at nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko kaya napalingon na rin ako.

"Salamat. Maraming maraming salamat talaga." nakangiti niyang sabi saakin kahit na pansin ko rin na nahihiya na rin siya kaya nginitian ko rin siya tsaka tumango.

Pero bago pa ako makabalik sa ginagawa ko ay narinig ko ulit siya na nagsalita.

"Ano nga palang pangalan mo?" raning niya sa akin.

"Sari." nakangiti kong sagot.

"Ah, Sari. Ako nga pala si Justin. Nice to meet you." inilahad at inabot niya sa akin ang kanyang kamay na makugod ko naman na tinanggap.

senyorito • shardonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon